Pregnant again after 2 miscarriage

Hello, share ko lang po ung story ko. Baka sakaling may makarelate sakin. Sorry medyo long read din po. First pregnancy ko 2017 no heartbeat nakunan ako 9 weeks, niraspa. 2nd pregnancy nitong June 18 lang ako nakunan at 6 weeks at di na niraspa. July 18 nagkaroon na uli ako ng period. Pero after nun wala na. Sept 8 nagPT ako at nagpositive. This time nakakaramdam na ko ng nasusuka which is never ko naranasan sa first 2 pregnancy ko. Sobrang nagulat kami ng asawa ko kasi hindi kami trying na magkababy unlike nung first 2 na intentional talaga, plus sabi ng ob atleast after a year na kami sumubok. Halong saya at takot ang naramdaman namin. Nagdecide kami na hindi na muna kami aasa pero aalagaan ang sarili ko. Pero iba talaga si Lord. Nagfirst check up na ako nung sabado at may heartbeat na si baby 😭❤️ grabe first time kaya grabe iyak namin mag asawa. 9 weeks and 2 days pregnant na din ako ngayon. Madaming pinatake na gamot si ob at nasusuka pa rin talaga ako pero ok lang, kakayanin ko yan lahat para sa baby ko. Alam kong its too early to celebrate, pero sa mga pinagdaanan naming mag asawa malaking milestone ito para sa amin. Sa mga kagaya kong naranasan ang sakit mawalan ng baby at halos mawalan na ng pag asa, wag po kayong susuko at magtiwala lang kay Lord. Mas maganda ang plano nya kesa sa plano natin sa mga buhay natin ❤️ PS: yung pic ay yung pt na tinake ko last sept 8, may interval yan na 3-4 hours at gabi ko na tinake

Pregnant again after 2 miscarriage
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy same ob po ba ang pinuntahan sa tatlong pagbubuntis nyo, i mean same ob kasama yung miscarriage mo? baka kasi suspected with APAS ka gaya ko maganda macheck ka na. anyway congrats po.

5y ago

ganun din po ako mommy,nakunan ako nung una tapos lumipat ako sa ibang ob sabi nya baka daw may apas ako.nabuntis ulit ako at takot makunan ulit.sabi magpa APAS test daw ako.pinag iipunan ko pa at masyadong mahal ang test.pero ngayon healthy si baby.pag nakaipon magpapatest ako mahirap na baka mawala ulit.pray lang po tayo.😊