Sa public hospital din ako dinala nung nanganak ako kasi napaaga 😅 But yes, minsan parang may attitude yung iba sa kanila. Lalabas na si baby, pinapalakad pa nila ko papunta sa bed, ayun pinagalitan sila nung midwife kasi di na talaga ako makatayo at pano raw kung biglang lumabas si baby at mahulog. Buti na lang yung team na nagpaanak sakin, magaling kahit first time ko, 20 mins lang ako nag push. I understand naman, they're usually underpaid and overworked, pero hindi rin sya magandang experience for me. Kahit sa ward, sobrang init at crowded, hindi ako nakapagpahinga nang maayos. Kaya this time sabi ko sa partner ko, since 2nd baby naman na at may Covid, sa private lying in na kami na malapit sa bahay. Sana maayos ang sistema nila para ok for patients and hcw. Hindi naman dahil public hospital ibig sabihin ganun na lang ang trato sa pasyente 🙃
congrats Po mommy...dami nga PO nagssabi pag sa public hirap Po tlga..klngn Po may sarili Kang doc.kc pag wala ndi ka asiksuhin DW Po agd..dangan nga lng sa tulad Po ntin mhhirap no choice...pero Plano q Po tlga managank ngaun sa private..kht medyo mhal Po..bsta Po safe kmi Ni BBY.
Andy