Nakakatrauma lang manganak sa public hospital

Share ko lang po.. Nakakatrauma lang manganak sa Public hospital. Parang ayaw ko na mag anak o mag iipon muna talaga bago mag anak. Yung tipong iring iri kana pero di kapa paiirihin. Feel ko na kasi yung baby ko nasa pwerta ko na. Tapos ang dami pa nilang sinasabi, papagalitan ka at mga masasakit na salita na parang kang isang mangmang na tao. Pero thankful pa rin ako kasi safe kami ni baby. Sa mga manganganak palang good luck and God bless po sa inyong lahat jan. Pray at tiwala lang. β˜ΊοΈβ€οΈπŸŒΉπŸ™ My 4 days old baby boy MATHIEU πŸ‘ΆπŸ’“

Nakakatrauma lang manganak sa public hospital
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa public hospital din ako dinala nung nanganak ako kasi napaaga πŸ˜… But yes, minsan parang may attitude yung iba sa kanila. Lalabas na si baby, pinapalakad pa nila ko papunta sa bed, ayun pinagalitan sila nung midwife kasi di na talaga ako makatayo at pano raw kung biglang lumabas si baby at mahulog. Buti na lang yung team na nagpaanak sakin, magaling kahit first time ko, 20 mins lang ako nag push. I understand naman, they're usually underpaid and overworked, pero hindi rin sya magandang experience for me. Kahit sa ward, sobrang init at crowded, hindi ako nakapagpahinga nang maayos. Kaya this time sabi ko sa partner ko, since 2nd baby naman na at may Covid, sa private lying in na kami na malapit sa bahay. Sana maayos ang sistema nila para ok for patients and hcw. Hindi naman dahil public hospital ibig sabihin ganun na lang ang trato sa pasyente πŸ™ƒ

Magbasa pa
4y ago

Yes po, recommended sa amin ng friend namin yung OB and sakto na malapit sa bahay. Kaya eto todo effort talaga para healthy at hindi marefer sa hospital pag manganganak na 😁

congrats Po mommy...dami nga PO nagssabi pag sa public hirap Po tlga..klngn Po may sarili Kang doc.kc pag wala ndi ka asiksuhin DW Po agd..dangan nga lng sa tulad Po ntin mhhirap no choice...pero Plano q Po tlga managank ngaun sa private..kht medyo mhal Po..bsta Po safe kmi Ni BBY.