D masabi ni Bf sa magulang ang sitwasyon namin
Share ko lang po kasi wala akong masabihan.. 3months pregnant na ko ngayon at alam na sa side ko simula pa lang na nalaman koq, pero yung bf ko hanggang ngayon d nya masabi sa magulang nya at nawalan na sakanya ng tiwala mother ko ☹️. Meron sya isang anak at parents nya nagaalaga but i think dapat ipaalam na rin sya to kasi nagiging problema na sa side ko feeling ko naiipit ako sa sitwasyon ? ayoko din magaway kami ng bf ko at mastress kaya d ko sya masyado pinupush.. d ko alam ano gagawin kasi ang gusto lng ng mama ko e magkausap silang mga magulang namin kaso ayaw ni bf at naiinis na rin ako sakanya kasi pareho namin ginawa to.
sis sorry to say this, ngayon palang ay nakitaan mo ng walang pagpapahalaga sa iyo at sa pamilya mo ang bf mo. pati respeto sa pagkatao mo ay parang wala rin. tutal naman alam ng parents mo ang situation mo, hayaan mo nalang sya. he does not deserve you. nagkaroon na pala sya ng anak sa una tapos wala sa tunay na ina yung bata, yun palang questionable na kung anong klaseng buhay ang ibibigay nya sa iyo. huwag ka na maghabol pa sa kanya, may mga signs na na hindi ka nya kayang panindigan. mairaraos mo rin yang baby mo at nakita ko naman na parang supportive sa iyo ang parent mo. pagisipan mo rin at ipagdasal mo sa Dios ang mga bagay na iyan. may awa ang Dios.
Magbasa paEither you talk to him or your Mom will talk to him. Masakit kasi yan sa side mo lalo na sa Mom mo dahil syempre ikaw ang agrabyado sa inyonh dalawa. Isa pa, yung di nya paginform sa side nya, shows disrespect to you and your family. Best to talk to him in a nice way, sabihin mo yung feelings mo and ng parents mo. Kung halimbawang ayaw nya pa din sabihin, I think it would be better kung hihiwalay ka muna pansamantala sa kanya, just to let him think of his actions. Kasi kung importante ka sa kanya tsaka yung baby nyo, hindi nya na hahayaang maramdaman mo yan.
Magbasa pasame situation at ako pa ang gumawa ng way para sabihin sa side nya at dun ko nalaman yung tunay na ugali nila. Pero magkakaiba nqman ang mga inlaws i-reverse psychology mo bf mo para naman masabe nya sa magulang nya. Like kapag di mo pa arin sasabihin ngayon tatanggalan na kita ng karapatan sa anak mo cunt charot basta gqnayn kase ginawa ko ngayon na nakalabas na baby namen tas di man lang makapagsustento? Ano hapi hapi paren sa mga tropa aba kung ganyang kawalang kwenta edi gerahin na djk. Go girl
Magbasa padpt be responsible enough ang bf mo sis. anung reason nya bakit ayaw niya ipaalam? i understand nararamdaman ng parents mo kasi kawalang respeto naman kasi gngawa ng bf mo.dpt mag.usap tlga kayo ng maayos at masabi nya sa parents nya para naman maharap ang parents mo. kasi pag ganyan, parang walang sense of responsibility si bf. kung kinausap mo sya at ayaw niya, pakausap mo sya sa parents mo. may karapatan din ang parents mo kausapin sya.para alam nya na dpt sya kumilos.
Magbasa pakelangan mapilit mo yang bf mo, mahirap para sa magulang mo yang nangyari kahit alam mong matatanggap or natanggap na nila to. ganyan rin ako nung una, hanggang sa magmeet na parents namin, mas naging okay lahat. mas nahirapan lang ako kasi may isa din syang anak sa pagkabinata.
oo dapat di pinapatagal yan sis, kasi nakakahiya sa parents mo promise. yan ung feeling ko dati e..
Yong akin nga kame lang dalawa ng bf ko hindi na pinaalam sa parents nya parents ko lang tapos sa mama ko ako nakatira pero sa amin lahat ng gastos hindi kame huminhingi kahit piso at nag bibigay ako sa parents ko.. Ok nmn sa kanila po
iinsist mo po na sabihin nya at mag usap usap both side. kung talagang ayaw nya idaan mo na lang sa legal na paraan. magharap na lang sa barangay para naman hindi ka maipit sa sitwasyong kayong dalawa naman ang gumawa.
anung dahilan ng bf mo at ayaw nyang ipaalam sa parent nya. need malaman ng parent nya ang sitwasyon nyo. kausapin mo ng ayos c bf baka sakali maliwanagan ang isip nya.
hindi nman nyo maitatago ng matagal sa parent nya ang sitwasyon nyo..lalo at hahanapin ng parent mo ang mga parent nila.. kaya need nyong harapin ang mga consequences..
Si mother mo kaya angpakausapin mo sakanya. Bakit ba ayaw niya ipaalam sa side nila? E meron naman na pala siyang unang anak at mother niya pa nagaalaga.
Edi ikaw na kumausap sa parents nya. Magalit man sya at makipaghiway sayo at least alam ng parents nya ginawa nya.
mother