mother in law (not all) is one of the reason of having a ppd
share ko lang to. nabuntis ako unexpected, tho my bf (now husband) and i are in a 3year relationship that time. so to cut the story short, 5mos preggy ako nung mag stay ako dito sa inlaws ko. hindi kami ganon kagood ng mil ko kahit nung bf/gf palang kami, magmamano lang ako tapos okay na. di kami nag uusap etc. so nung nalaman na buntis ako, hindi naman totally nagalit, pero pinagsabihan syempre. then willing to help me naman to tell my parents. so ayun naging okay naman hanggang sa kinasal nga kami as per my parents. una excited si mil, kase umaasa sya na boy ang baby ko btw, may 2 girls na sya apo sa mga kapatid ni hubby (ayaw pa nya na sabihin namin sakanya ang gender kahit alam nyang alam na namin) gusto daw nya sa pagkapanganak na para suprise. so eto na, nanganak nako and it was a cute baby girl ☺️ sa hosp tuwa yung pinakita nya, tatlong maria na daw apo nya, btw nung nakaharap nga pala nya parents ko sabi nya willing daw sya mag alaga hanggang malakas pa daw sya. pero hindi ganun ang nangyayari ? nung nakauwi na kami dito sa bahay, sa 1st week ko inaasikaso ako ni mil dinadalhan ng pagkain sa kwarto, pero kapag makikisuyo ako na pakitignan muna si baby halimbawang mag ccr ako, hindi naman sya pumapasok sa kwarto para tignan. may time pa nga na nagpapaturo ako sakanya na magpaligo ng baby (kasi binibida nya at nung asawa ng kapatid ni husband, na si mil nga ang nagpapaligo dun sa unang apo) so paturo din sana ako, kaso dami nyang alibis, kesyo hindi daw maaraw, okay lang daw hindi maligo ang baby hindi naman daw kase babaho etc etc. pero ramdam ko na ayaw nya talaga kaya hindi na rin ako nag insist. then simula nung makauwi kami sa bahay from hosp until now na 2mos na si baby hindi man lang nya hinihiram, nitignan kahit once a week man lang, wala. nakakalungkot, tapos makikita ko pa na iba trato nya dun sa dalawang apo, lalo na dun sa una. tapos ang hilig pa nya kalabugin yung pinto ng kwarto namin -yes, kalabog hindi katok- kahit alam naman nya na may baby sa loob. papatugtog ng radio malakas, sisigaw, mga ganon. minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko bakit ganon, may mali ba? hindi ko naman idinadamot yung bata. naaawa tuloy ako para sa baby ko. minsan naiiyak nalang ako. tsaka mas gusto ko pa magkulong nalang dito sa kwarto lalo na kapag nanjan mil ko, ayoko magpakita sakanya. wala ako nakukuhang help at support dito sa mga inlaws ko, lahat ng pag aalaga na ginagawa ko kay baby natutunan ko lang sa sarili ko, wala naman din kasi akong nanay para mag guide sakin so si mil lang talaga sana yung makakatulong ko. ang hirap hirap sa totoo lang, may ppd ako, alam ko tapos nakakadagdag pa yan para lalo akong madepress. sobrang depress ako sa totoo lang, pero hindi ko yun pinapakita, ewan ko lang kung napansin nila yung pagbabago sa behavior ko. kaso kung napansin man nila baka masama pa yung isipin. si husband alam nyang may ppd ako he's helping me kay baby actually kaming dalawa lang talaga umaaruga kay baby pero hindi nya alam itong lungkot na dinudulot sakin ng nanay nya. ayoko sabihin, kasi syempre nanay nya yon hahaha ? sinasarili ko nalang. kating kati na nga ako na lumipat kami ng bahay, kase ganun din naman ang feeling, feeling ko mag isa ako. haha. tama na nga, naiiyak lang ako. basta advice ko sainyo hanggat maaari bumukod kayo kasundo o hindi ang mil nyo. at sa mga mom to be, pagkapanganak nyo pls lang dun muna kayo mag stay sa side nyo, sa mom nyo, sa alam nyong may tutulong at mag guguide sainyo sa pag aalaga ng baby, para hindi kayo madepress tulad ng dinadanas ko ngayon....