First time mom at the same time Fur mom too.
Share ko lang. Na gguilty ako. Feeling ko ang sama kong furmom. May tatlong aspin ako. Isa don nanay nila 3 years old. Mag iisang taon palang 2 anak nya puro lalaki and puro pasaway. Wala pa silang bakuna kasi inaantay ko pa yung libre dito sa barangay. Di naman sila lumalabas since birth nila. Yun nanay nila complete vaccine yon and may vet talaga. Sila lang yung hindi ko naasikaso pa since kinapos sa budget kasi priority ko pa yung pinagbubuntis ko. Alam ng kapitbahay ko kung gano ko ka alaga at kamahal tong mga aso ko. Nakikipag away pa nga ako para sa kanila kaya lang di ko na rin kaya ngayon. nakaraan kasi nakakagat ng 4 years old na kalaro ng pamangkin ko yung dalawang anak. As in kung di namin binaba kasi nasa taas kaming lahat baka nalapa na talaga. May isang malalim na kagat sa paa yung bata as in sa pangil talaga yung pagkagat. Bigla kasing pumasok yung bata eh di sya kilala nung mga aso ko. Tas wala pang tao sa baba. Nakakapraning kasi wala pang bakuna kahit kampante naman ako na walang rabies tong aso ko kasi nga since birth nila di sila nakakalabas. Ang yung nanay nila is complete vaccine naman. Open naman yung bahay namin yung nakaka pwesto sa bintana mga aso ko. Hindi sila nakakulong at di rin nakatali. Nakakapaglaro din sila sa loob. Napabakunahan na din namin yung bata. Nakakastress lang kasi kung kelan nasa loob nga lang ng bahay naka disgrasya pa. So yun na nga. Sobrang yamot ng papa ko plano na silang i surrender sa barangay. Dagdag pa na manganganak ako. Wala ng mag aasikaso. Sobrang ingay din sa gabi lalo nat may madaan lang na di nila kilala o may konting kaluskos lang. Nakkunsensya ako. Masamang fur parent naba ako? Di madali yung magiging desisyon pero parang no choice na ko. Plano kong ipaiwan yung nanay pero ayaw na talaga ng papa ko. Kahit alam kong masakit din yun sa kanya. 😭
Preggers