Kagat ng Kuting

pinaliguan ko po kasi yung alaga naming kuting and unexpectedly kinagat nya po ako. napadugo ko po agad yung sugat at hinugasan ko rin naman agad. sobrang liit lang naman po ng kagat tsaka hindi talaga malalim, pero worried parin po ako kasi 6 months pregnant po ako. ask ko lang po if safe parin po ba kahit hinugasan ko naman tsaka di naman po ganun kalalim o kalaki, halos di na nga po makita kung san yung sugat sa sobrang liit . ang alam ko po kasi kung alaga naman daw po yung hayop wala daw pong rabies?

Kagat ng Kuting
10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pumunta ka po sa animal bite center ako nakagat din ako ng alaga kong aso nung feb. lang pero hindi ako tinurukan since alaga ko namn daw yung aso ipinamonitor na lang sakin ng 14 days kung may mgbabago ba sa aso ko awa ng diyos mag 4months na nung nakagat ako okay namn ako☺️sinabi din kasi ng ob ko na hindi ako pwede mag pa anti rabies

Magbasa pa

ang prone po sa rabbies po ang mga stray cat and dog kasi po kung ano ano kinakain nila hindi malinis.pero para po mapanatag kayo mas okay po paturok ka anti rabbies lalo buntis po kayo.

2y ago

alaga naman po namin, di lang ako nakapag ingat kasi nasanay ako sa mga pusa namin na tuwing pinapaliguan is behave lang naman. siguro dahil first time ng kuting nabigla sya. pero halos wala po talaga akong maramdamang masakit sa part ng nakagat. hindi rin namumula or namamaga. kahit pisilin ko hindi rin masakit. ask ko lang po if sa ganitong case ko pwede po bang kahit anti tetanus nalang?

VIP Member

Alaga mo naman at sure kang malinis ang pusa sis, tpos wala naman siyang signs na infected siya.. kaya dont worry. Maybe anti tetanus okay pa since bnbgay n yan sa buntis

2y ago

thanks sis nawawala pagka bahala ko kahit papano😊. yes po alaga naman po si muning. papano anti tetanus nalang ako tomorrow tutal balik ko ng check up bukas

Kung baliw yang pusa niyo may rabies po yan. Kaya siguro nangagat dahil hydrophobic, isang sintomas na infected nang rabies ang pusa niyo kaya may aggression.

2y ago

mababait at malalambing naman po yung mga pusa namin siguro kaya lang naging agresibo dahil first time syang pinaliguan. di lang talaga ako nakapag ingat kasi nasanay ako sa ibang pusa namin na tuwing pinapaliguan ay okay lang.

Delikado ang kagat or kahit nga kalmot ng pusa. Magpa consult ka agad sa ob and check if pde ka magpa turok ng anti rabies

2y ago

ako nga po dalawang beses po nkagat ng alga nming pusa pinadugo and hinugasan ko nman po 4mnths plang tummy ko nun ..ok nman po ala nman po ako narramdaman

VIP Member

kung nasa bahay lang naman yung mga pusa nyo at hnd nakakalabas ng bahay ay safe po sya sa rabbies...

Mii, kung may number ka po ng OB mo, consult mo lang po mabilisan sa kanya.

VIP Member

walang rabies yung pusa , need mo lang magpa anti tetanus

ok na yan anti tetano kanalang po

Kailangan nyo po magpa anti rabies

2y ago

okay lang po ba sa case ko na since sobrang liit lang naman po ng sugat at hindi rin malalim pwede na po ba kahit anti tetanus nalang?