Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mumsy of 1 playful heart throb and 1 pretty seniorita
Welcome my baby (long post ahead)
Share ko lang mga momshie delivery journey ko. 1 am ng oct.22 may konting pain na kong nararamdaman sa puson ko, akala ko false labor lang since 10-20mins yung pagitan. Hanggang magumaga, di na talaga ko nakatulog. 5:30 nagdecide kami ni hubby na pumunta na sa lying in kung san ako manganganak. Pagdating dun ie agad, and to my surprise, paa daw ni baby yung nakapa ng midwife and 6cm na ko. Pinagmadali na kami na pumunta sa hospital kc on labor na talaga ko, need ko daw ics.. Private hospital kami nagpunta nung una, kaya lang di kaya ng budget, lipat kami sa public hospital, while nasa ambulance kami, sobrang sakit na talaga. Pag tigil na pagtigil palang pumutok na panubigan ko. Di ko talaga maexplain yung pain lalo at breech xa, pinipigilan nila akong umire. Kc malalagay daw sa alanganin baby ko, kaso minutes lang after pumutok ng panubigan ko, nakapa ko na yung paa ni baby. Ayun na, nagkagulo na sila. Iniakyat na ko agad sa 3rd floor at dun na sa pasilyo palang, pinaanak na nila ko. Sobrang hirap at sakit, pero worth it nung makalabas baby ko. Sobrang thank you dito sa tap at sa mga mommy, dami ko natutunan.. And now, meet my baby.. Baby Enrico Macam DOB: Oct. 22, 2020 EDD: Oct. 30, 2020 Via Normal delivery 3 kl