Finally, she's here! πŸ’–

EDD via LMP - Nov. 7 DOB via NSD - Nov. 5 50cm, 3kgs. πŸ’– Meet my JANAIAH ABIGAIL 😍 Oct. 27 palang 1cm na ako pero wala pang sign of labor, puro sakit sa puson lang ng 1 week. 😩 Then Nov. 4 palang ng 3pm regular na ang intervals ng contractions ko, nagpunta kami sa Lying in ng 6:30pm pero 3cm palang daw kaya pinauwi pa nila ako, ayaw pa nila akong iswero para di daw ako mapagod agad. Matulog daw muna ako at kumain para may lakas ako, pero pag uwi namin sa bahay, hindi na din lang ako nakatulog kasi mayat-maya na talaga siya at mahirap ng tiisin, yung dimo na alam kung saan ka kakapit sa sobrang sakit. πŸ˜… pero naghintay pa ako, bandang 2:30am ng Nov. 5 ginising ko na ang asawa at biyenan ko, sabi ko diko na kaya kaya bumalik na kami sa lying in, pag ie sakin 4cm palang daw! Pero kita nila na sobrang sakit na at di na ako makatayo ng maayos kaya inadmit na nila ako, naka swero na ako at tinurukan na nila ako ng pampahilab kaya ire na ako ng ire dun sa ward. Bandang 7am umiiyak na ako sa sakit pero pag ie sakin 6cm palang daw, so hinayaan lang ulit nila ako dun na umire. Bandang 8am humupa yung contractions ko, yun pala pinatay ng midwife yung swero ko para daw makapagpahinga ako. Sayang daw kasi energy ko kakaire kasi mali naman yung pag-ire ko. πŸ˜…πŸ˜Œ nakakain pa ako kahit papano pero hindi na talaga ako nakatulog, nakakaidlip ako between contractions pero nagigising din lang ako sa sakit. 😭 bandang 10:25am sa sobrang ire ko nakaihi ako at akala ko panubigan ko na yun kaya pinasok na nila ako sa delivery room, pero 8cm palang daw ako at intact parin ang panubigan ko! Pinapabalik pa nila ako sa ward pero sabi ko kaya ko na, ilalabas ko na baby ko! And after ng napakaraming push at 3 times na tulak, my baby is finally out at 10:54am! πŸ˜πŸ’– wala akong ibang nasabi kundi "Thank You Lord! " πŸ™Œ Sobrang laki din ng pasasalamat ko sa Midwife na nagpaanak sakin at sa assistant niya na sobrang bait at di nila ako pinabayaan. πŸ’• 16 hours of labor and almost 30minutes sa delivery room dahil di ako marunong umire. πŸ˜… Worth it lahat! πŸ˜ŒπŸ’• Bonus pa na Php. 1,410 lang ang binayaran namin. God is good talaga! πŸ’― Kaya sa mga ftm jan na team november, siguro napapraning na din kayo kakahintay pero konting tiis nalang, kaya nyo yan! πŸ™Œ #1stimemom #firstbaby #theasianparentph

Finally, she's here! πŸ’–
74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momsy, ako dec. 04 due date ko pero pag check up ko nung Nov. 07 sa OB ko for my monthly check nasa 1cm daw ako, pina pa prepare na ako ng OB ko this Nov. and kaka tapos ko lang mag swab test kanina...my neresita sya sakin na pang pa labor pero hindi ko pa nabili kasi ina antay ko ang result ng swab test ko...gusto ko sana kahit dec. 01 ako manganak..pero hindi ko din alam kung kaylan talaga lalabas si baby.. Baka pag inom ko ng gamot na neresita sakin n doc baka bigla ako mag labor..

Magbasa pa
4y ago

Wala pero lage akong nag walking anv squat

Palagi rin po naninigas tiyan ko. Minsan nga akala ko di na gumagalaw si baby sa loob. Tapos kapag naglalakad ako sa umaga, parang malalaglag na sya sa pempem ko πŸ˜… 1cm na ko last week eh. Kahapon check up ko di ako in-ie kasi wala pa naman daw sumasakit sabi ng midwife. Wait na lang daw ako magtuloy yung paghilab. Niresetahan na rin ako ng eveprime

Magbasa pa
4y ago

mababa nb tyan mo momsg

Congrats mommy, cute ng baby mo po 😍 kinakabahan din ako pero matagal pa naman saken 3months pa hihintayin ko. Kaya lang natatakot ako kasi kami lang dalawa ng asawa ko wala kong ibang kasama pag manganganak nako, nasa province kasi mga magulang ko at ng asawa ko. Sana kayanin ko 😊 first baby pa man din.

Magbasa pa
4y ago

Hi mamsh. kayang kaya mo yan! lakasan mo loob mo. Wag na wag kang kakabahan, yun ang iiwasan mo mamsh. Ilagay mo lagi sa isip mo na malakas ka at kaya mo! πŸ’ͺStay safe! πŸ’–πŸ€—

Di ka talaga nila ia-ie kapag walang contractions sis. Kasi mas masakit daw yun. Gawin mo, inom ka lagi pineapple juice ung puro. Tapos kain ka pinya. Kung keri oa makipag do ka kay hubby para ma induce ung paglalabor mo 😊

sana all 😒 ako kasi lagpas na edd ko nov.7 pero anong araw na, wala parin akong nafefeel na kahit anong pain, puro white discharge lang 😭 nagwoworry na ko para sa baby ko.

4y ago

Hala punta na po kayo sa hospital momsh, delikado lagpas sa due date. pa check n kayo

Oo mommy nkaka praning tlga.ung tipong isang Araw knang ng lalabor pero 1cm prin daw tas every 5minets nsakit ung sakit na nkakapigil hininga 😒😒 sana makaraos na rin ako

4y ago

Godbless mamsh! kayang kaya mo yan! πŸ’ͺπŸ’“

Hi mommy, congrats! For mommies na hindi agad afford bumili ng LACTATION COOKIES para makatulong mag boost ang milk supply. Reserve your slot now!

Magbasa pa
Post reply image

Mapapa sana all kna lang. Mura na nga nbayaran, naalagaan kapa ng mgaayos, and nakaraos n rin.. Congrats mommyπŸ˜‡ Sana makaraos n rin akoπŸ™πŸ™

4y ago

True mamsh. Ang babait pa ng mga midwife at assistant niya. πŸ’– Kaya mo yan mamsh makakaraos ka din. πŸ™Œ

congrats po. 39 weeks and 3 days pero no signs of labor. totoo nakaka inip maghintay pero nkaka encouraged po makbasa ng mga ganitong post

4y ago

kayang kaya nyo yan mga mamsh. konting tiis nalang mamemeet nyo na mga babies nyo. Sobrang worth it ng paghihintay. πŸ˜πŸ’–

congrats mommy! 😊 38weeks and 6days here, nag riseta na si Dra ng fish oil para sa cervix sana mag work 🀞