new year happy na naging sad pa??

Share ko lang mga momsh naiiyak ako hindi ko alam pero super nasaktan ako sa ginawa at sinabi ni hubby. Nagpaalam sya na aalis sya dahil mag iinuman sila magbabarkada hindi ko sya pinayagan kasi 1st new year namin to na kasama manuod si baby ng fireworks last year kasi super baby pa sya .sa labas lang naman po kami ng bahay manunuod and syempre gusto ko sana magkakasama kami salubungin ang 2020. Kaso sonbrang nagalit sya masasakita na mga salita sinabi nya nanumbat sya tapos sinasabihan na daw sya na under sakin. Imagine naman po kasi mga momsh mga barkada nya halos lahat binata tapos yung iba na barkada nya na may asawa taga dun din sa lugar na san gaganapin inuman nila. Sobrang naiinis ako kasi mas gusto pa nya kasama barkada nya kesa samin ng anak nya kasi dun daw feel nya ang new year kasi ganun sila palagi kapag new year nag iinuman nung binata pa sya. Naiiyak ako mga momsh kasi ako tinanggal ko lahat ng bagay nung dalaga pa ko like yung madalas gumala. Tapos sya kung kaylan pa mahalagang araw saka nya kami iiwan.??

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din naranasan ko kagabi. I am almost 3 months pregnant. Feel di siya masaya saamin. Paano na lang kapag lumabas na si baby namin tanungin niya bakit di kami laging magkasama ng daddy niya, alangan sasabihin ko mas nag eenjoy pa siyang kasama barkada niya kaysa saamin, na nakakapag bar sila samantalang ako di masamahan sa pag papa check up.

Magbasa pa

i feel u..😞😭ganyan dn aq.naun 2 n baby namin ganun pdn xa,at mas ahead xa skn ng 12years,pero aq pa nagaadjust..katwiran p byenan q ganun q na xa nakilala...😞e bkit aq ganun dn nya nakilala,pero iba na pag nagkaanak na.,d n q kamkha nung dalaga aq.walang pagbabago parang mas lumala pa..mag 8years na kmi.aq pa masama pag sinasabihan xa

Magbasa pa

Nakakainis nga po talaga. Yung asawa ko din sa barkada nya inabutan ng new year kasi nagpa ingay sila ng motor, buti umuwi agad sya after nila magpaingay ng motor. Ang nakakainis pa may mga tuksong kabarkada ang sabi sa chat " di ka ba naiinggit " ( with picture na nag iinuman sila ) kakabwisit talaga mga barkada na yan!!

Magbasa pa

Mga walang kwenta un ganyan lalake at tau mga babae dat alam ntin un worth ntin kung ayaw nila tau mkasama di wag at wag ntin ipakita na talunan tau lalo lng tau aapihin ng mga ganyan uri ng lalake pkita mo na dka rin mviado interesado sa knya gawin mo rin mga gingwa nia ewn ko nlng di msaktan yan baba ihi nian

Magbasa pa

grbe pala sainyu noh? pero sakn thnkful.nlng ako sa hubby ko, kc ako gusto gumala .ang sya nmn ayaw niya gusto niya sa bahay lng kmi dalawa at .baby namin sa tummy.ko 33weeks.nko preggy, sya pa.nag sabi skn na d ba dw ako msya na sya lng ksma ko sa new yr hehe ,

Masakit yung ginawa nya but u need to be strong and happy para kay baby po. Dont let your new year turn bad because your husband cant be with you at midnight. Give him the silent treatment drama and surely mag so-sorry yan sa ginawa nya. Be happy po. Happy New Year!

VIP Member

pero sana naintindihan din ng asawa mo na hindi na siya binata, binalibagan mo sana ng ng coins sis para maramdaman niya yung new year,hindi siya under sa ganon kasi obligasyon niya na samahan yung pamilya niya sa ganyang okasyon,kaloka...

Natatakot ako na ganito mangyare samin... Dahil nakagawian na rin ng mga tropa nya ang magpuyat tuwing bagong taon. At baka kapag nagsama na kami ganito rin gagawin nya sakin. Im 19 weeks and 2 days pregnant now.

Parang asawa ko din minsan 😅😭 sana nga naiisip nilang di na sila binata. Kaya lang minsan ang hirap ipaintindi sakanila yan. Palibhasa nakasanayan, di masama uminom pero sana priority parin ng pamilya. 😊

Tingin ko hindi pa sya ready or immature pa sya sa buhay may asawa. Dapat priority plage ang family, kahit pa anong sabihin sa knya ng mga barkada nya hindi sya maapektuhan.