nasasakal

Mga momsh nasasakal na daw po sakin si hubby dahil sa sobrang higpit ko sa kanya. Lahat nalang daw po bawal. Binawal ko po kasi sya mag inom at mag yosi ng madalas dahil sa gastos madalas pa naman maging sakit nya tonsil kaya binawal sa kanya ng dr.kapag po kasi nagkaka tonsilitis sya 1week sya hindi nakakapasok. Binawal ko din po sa kanya yung masyadong sumasama sa barkada kasi minsan buong araw nasa barkada hindi na nya alam nangyayare samin. After nung sinabi nya sinabihan ko sya na wag na magpapa alam sakin kung ano gagawin nya basta sabihin nalang nya kung nasaan sya. Ngayon naman po nagrereklamo wala na daw ba ako pakealam sa kanya ni hindi ko na daw sya kinukulit na umuwe hindi ko na daw sya hinihintay umuwi unlike dati hindi talaga ako natutulog hanggat wala sya or minsan sa gate naghihintay ako. Hindi ko na daw ba sya mahal kasi feeling nya wala syang asawa na nag aalala sa kanya. Sinabi ko po. Diba sabi mo nasasakal kana ayan niluwagan ko para marealize mo na hindi naman para sakin yung ginagawa ko para sa anak mo naman. Ano gusto mo yung dating set up natin na mahigpit ako or ngayong maluwag ako? Hindi po sya nakapagsalita. Pa advice naman po mga momsh ano pwede ko gawin?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

tama lang naman ung ginawa mo sis.. as long as ndi ka naman nagkukulang sa pag aasikaso sa knya pag asa bahay sya..baka kc isipin nya talaga na ndi mo na sya mahal pag ganun.. cguro narealize din nya un kaya ndi sya nakasagot