Rated K "Kadiri"

Share ko lang mga mommies. Siguro di ako nag iisa dito pero. . . GRABE!!! Di ko na matake yung pag mag poop ako sobrang sakit kasi di ko malaman bat ang laki niya or ang haba minsan tapos ang tigas pa. Laging dumudugo yung pwet ko. Huhuhuhu. Madalas naman ako mag water. Ang hirap din pag nag iire ako. Sobrang kailangan naka focus ako sa pwet lang at baka si lo ang maire ko. Jusko talaga. Pasakit na ang pag cr. Minsan ayaw ko na dumumi kasi nakaka trauma. ???

51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you momshie, yung tipong feeling mo may halong pako yung poopoo kasi masakit siya paglumalabas talaga. Ngayon mejo naging bearable na, di ko alam if nastretch na yung anus ko or what hahahaha! Pero try mo kainin yung balat ng apple and yung hibla hibla na strings nung banana and yung hibla hibla din nung sa ponkan 🍊🍌🍎 mejo nakatulong siya.

Magbasa pa
6y ago

Tunay pala yan. Hahaha. Akala ko niloloko lang ako ng tatay ko. 🀣