Lucky ❤️

Share ko lang mga mommies. Pumunta kasi kami ng asawa ko sa bahay ng MIL ko ( Malapit lang sa amin, walking distance lang ). Tapos nakita ko na nakasampay na yung mga damit na gagamitin ni baby paglabas, btw 27 weeks preggy na ako. Wala lang, naisip ko lang sobrang swerte ko lang sa in laws ko. Hindi na ako yung pinaglaba ng MIL ko ng damit ni baby, siya na lang naglaba. Swerte din ako kay hubby, kasi sa totoo lang medyo kapos ang sahod nya kasi siya lang nagwowork dahil nagresigned ako nung mabuntis since maselan ang paglilihi ko. Di nya kami pinabayaan. Minsan atrasado ang check up ni baby kinakausap nya na lang sasabihin nya "Pasensya na muna baby, hayaan mo gagawa ang papa ng paraan". Nga pala may anak ako sa una, isa pa yun na sobrang pinagpapasalamat ko. Mahal na mahal nilang lahat yung anak ko sa una, hindi ko nafeel na iba ang turing nila sa anak ko. Nung time na nagwowork pa ako at di pa buntis, MIL ko ang nag aalaga sa anak ko. Grabe minsan nakakaselos na in a good way kasi ayaw na umuwi ng anak ko sa amin at taba pa niya ?. Sorry mga momsh medyo mahaba, gusto ko lang ishare yung happiness ko.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganon din ako sis...ang swerte ko sa MIL ko, sya din naglaba ng lahat ng damit ni baby at nagpaplantsa..minsan nagpapadala sya ng pera para pang check up, tuwang tuwa sya mag shopping para sa gamit ni baby tatawagan pa ako para lang tanong kung ok lang daw ba na bilihan nya ng ganito..ganon, minsan mas kausap nya pa ako kesa sa asawa ko..nagseselos na asawa ko samin..pinagpalit na daw sya ng nanay nya..😂 si hubby din super bait at very supportive..lalo na sa check up ko..maleleave talaga sya....kaya kung lalabas si baby di ako magdadalawang isip na paminsan minsan iwan kay MIL dahil napalaki nya ng maayos si hubby at responsable..gusto ko ganon din anak ko..

Magbasa pa

Ganyan din MIL ko and hubby ko. Sya lang din nag wowork at nag tutulong sila ni ng mami ko pag wala kami pampacheck up sakto kasi na tinanggal kami sa work nung nabuntis ako. Ung MIL ko nmn nag papadala pa lagi ng pagkain at kung ano ano para sa amin ni baby kasi maselan ako mag buntis

Sana all..😑 yung sa akin kulang nlng tirisin ako ehh.. eh d pa naman kami nag kikita pero galit na sya agad hayy buhay

VIP Member

Sana all may ganyang asawa. Nakakalungkot at nakakainggit talafa makakita ng pamilyang buo at masaya

Wow. That is good. Pagpalain pa po kayo ni God. Ganun din ang in laws mo.

5y ago

Salamat momsh!

God blesss everyone! 🙏😊

Swerte mo po. Sana all 😄

VIP Member

Swerte mo sa in laws mo momsh ❤

5y ago

Kaya momsh eh. Abangers na din sila kasi gusto naman nila baby girl, sakto baby girl yung dinadala ko.

super blessed mo mommy

VIP Member

Ang swerte mo mommy..