MIL problems. Hirap ng kasama sa bahay wala kayong sariling buhay.

Actually mabait ang MIL ko pero sobrang mabunganga tapos gusto nya kasali sya sa lahat ng business namin ng asawa ko. Since magbf gf palang kami nag veventure na kami ng asawa ko sa mga businesses. Puro fail pero ok lang kasi bata pa kami learnings namin yun. Tapos naisipan namin magtayo ng business with MIL. Nung una sya nagmamanage kasi may work kami pareho ni husband. Tapos nung naging mag asawa na kami, kami na ang nagmanage. Come covid namatay ang FIL ko. So nagmove in ang family ni husband with us. Granted sa kanila itong apartments so nawalan ako ng say since nagmove in sila. Nung una gusto ko mag milktea business. Kaso nabuntis ako so hindi ko naituloy kahit nakahanap na ako ng suppliers and all. Tapos si MIL bigla nagkainteres. So sinimulan nya agad tapos binigay ko na sa kanya yung suppliers ko. Wala ako nagawa kasi buntis ako di ko masisimulan yun. Ngayon may bagong business venture kami ni hubby. Gusto na naman makisali ni MIL. Naiinis na ako kasi hindi makahindi yung asawa ko. Gusto ko lang magkaron kami ng sariling business namin. Push ng push na naman itong MIL ko at laging nagmamagaling. Nakakainis lang kasi bakit di na lang nya kami hayaan na magkaron ng sariling business namin lalo na magkakaron na kami ng anak. Lagi na lang kaming may kahati nakakainis na.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mag usap kaya kayo. Kayo2 lang makkasolve nyan