Mother in Law
Hello. Share ko lang experience ko today. Mahirap pala kapag nagkatampuhan kayo ng Mother in Law mo no? Ngayon ko lang naranasan sa loob ng 3 years na nagsasama kami ng wife ko. Although mababaw lang naman pero yung feeling ko ngayon parang ang bigat. Ang dahilan kasi malakas ang ulan tapos natutulog kami ng wife ko dahil galing sa work then di ko alam nagpapasundo pala sa sya sa SM. Hindi naman sya tumawag, nagchat lang kaya di ako magising. Nagising lang ako nung nasa gate na sya then nagoffer ako ng tulong sa na bitbitin yung groceries pero tinanggihan nya, literal. Malakas kutob ko sa mga taong nagttampo eh. Alam kong magtatampo sya kasi di sya nakibo or what. Eh hindi naman sya ganun. Alam ko naman dapat kong gawin pero ang awkward pa rin. Walang kibuan. Bigat sa feeling. Btw, lalake po ako. Thanks.