paenlight naman mga mamsh
sensya wala kasi ako mapagkwentuhan. kahapon nagpaalam naman LIP ko na nagaaya inuman mga bestfriends nya. nagokay ako pero sabi nya till 10pm at sabi ko naman need nya din umuwi kaagad dahil may pasok kami parehas kinabukasan. at isa pa ang baby namin di nakakatulog ng mainam pag isa samin wala. 9:30pm palang nagchat sya na 11pm na sya makakauwi. sabi ko bakit. wala syang reply. tapos sabi si baby di makatulog ng mainam kanina pa antok na antok nagluluha na din mata patang may hinihintay. di sya nag chat. nagkaroon ako ng feeling na baka kinakantsawan sya ng barkada na baka maging under sya. kaya first time nya di sakin magreply. hinintay ko pagdating nya. 10:30pm di na kinaya ng mata ni baby. salamat naman nakatulog na sya. 11:30pm sya dumating. nanggigil po ako sa inis. tapos nagconfess nga sya na nahiya sya magpaalam sa bakarda dahil baka isipin ng barkada na under daw sya. sa isip ko po walang issue ng under dahil nagagawa nya gusto nya pero nagkukuwento muna sya. tapos ako support lang sa mga gusto nya pero minsan nagsusuggest ako it need ba yun or want lang for decision making. 4months palang baby. baka kasi mataas pa depression rate ko. kasi gusto ko laging nakasupport si LIP gusto ko sya laging kasama. pumapayag akong pumunta sya sa barkada nya pero may time limit dahil unang una may baby pangalawa disiplina sa time para pahinga at may pasok, pangatlo di rin ako makatulog ng wala sya sa tabi ko😠inaway ko sya kagabi 😣