paenlight naman mga mamsh

sensya wala kasi ako mapagkwentuhan. kahapon nagpaalam naman LIP ko na nagaaya inuman mga bestfriends nya. nagokay ako pero sabi nya till 10pm at sabi ko naman need nya din umuwi kaagad dahil may pasok kami parehas kinabukasan. at isa pa ang baby namin di nakakatulog ng mainam pag isa samin wala. 9:30pm palang nagchat sya na 11pm na sya makakauwi. sabi ko bakit. wala syang reply. tapos sabi si baby di makatulog ng mainam kanina pa antok na antok nagluluha na din mata patang may hinihintay. di sya nag chat. nagkaroon ako ng feeling na baka kinakantsawan sya ng barkada na baka maging under sya. kaya first time nya di sakin magreply. hinintay ko pagdating nya. 10:30pm di na kinaya ng mata ni baby. salamat naman nakatulog na sya. 11:30pm sya dumating. nanggigil po ako sa inis. tapos nagconfess nga sya na nahiya sya magpaalam sa bakarda dahil baka isipin ng barkada na under daw sya. sa isip ko po walang issue ng under dahil nagagawa nya gusto nya pero nagkukuwento muna sya. tapos ako support lang sa mga gusto nya pero minsan nagsusuggest ako it need ba yun or want lang for decision making. 4months palang baby. baka kasi mataas pa depression rate ko. kasi gusto ko laging nakasupport si LIP gusto ko sya laging kasama. pumapayag akong pumunta sya sa barkada nya pero may time limit dahil unang una may baby pangalawa disiplina sa time para pahinga at may pasok, pangatlo di rin ako makatulog ng wala sya sa tabi ko๐Ÿ˜ญ inaway ko sya kagabi ๐Ÿ˜ฃ

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nong bago pa lang kami ni lip lagi din namin pinagtatalunan yong ganyan. Hnd kasi nasusunod yong agreement na oras ng uwi. One time pa nga nagalit siya sakin kasi napahiya ko daw siya sa katatawag ko. Ako naman medyo nadepress. Pero thankful ako kasi nakita ko na yong mga changes na, lahat dinadaan na namin sa usapan. Sabi pa nga niya sakin non hayaan ko muna siya hanggat bago pa kami kasi nag.aadjust din daw siya. So i let him be hanggang sa nanawa siya.(Pero hnd rin ako nagkulang sa paalala ng mahinanon). Habang tumatagal siya na mismo yong umaayaw at minsan kaming dalawa lang mag.iinom kahit isang bote lang. Lalo na ngaun na preggy ako, pag tinatawag siya nagtatago o kaya tulog tulugan. Ako nalang yong natatawa. Yong lalamunan niya raw kasi hnd n ganon ka immune sa alak at priority na raw niya kami ni baby. ๐Ÿ˜‚๐Ÿค— im just happy kasi worth it yong tiyaga at effort naming dalawa para sa relationship namin.

Magbasa pa
4y ago

aww 1yr palang kami. and yun nga naopen up sa akin ni LIP na nung unang beses na uminom sya with friends. ako po natawag nung 11pm na nakantsawan daw sya na hanap na ni misis baka galit na yun. dun daw nagsimula yung ego nya na hindi daw sya under๐Ÿคฃ napaka understanding nya din kasi kahit nagagalit na ako, kaya nyang i-explain sakin yung mga ayaw nya. tapos dun na ako nagiisip kung may nagawa din akong over. emotional ako di ko kaya magsalita habang nagagalit ako. umiiwas lang ako at di kumikibo. pero sa kanya ko natutunan na need mag open up para masolusyunan ang dapat mapag-usapan

naalala ko dati nung nag start plng kme ni hubby..un nmn porke alam nyang di ko xa papayagan kaya di mag papaalam..uuwi nlng un nakainom na..alam kse nya na aawayin ko xa..ganun at ganun lng palagi..kaya sabi ko sakanya di ko na xa papakelaman ayaw ko na mastress mag focus nlng ako kay baby.. aun sa awa ng diyos cguro feeling nya wala.ako pakialam sknya kaya sya na nag kusa tumatanggi sa inuman.. ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… sabi ko kako wag nya hintayin mawalan ako ng pakelam sknya dahil di ko tlga xa pinapansin at inaasikaso..dun nya cguro narealize na mas mahalaga ang pamilya..at kme na dapat ang priority nya..๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

3mos preggy po ako at palage na po namen issue yan ngayon ng asawa ko dahil pag inaya siya at di ko suya mpayagan, gngwa nia pa rin gsto nia at ssbhan pako n nkkskal nako. worst pa, dun siya mgstay sa tropa nia at uuwi lang kung kelan nia gusto. hinahayaan nia na tumagal ung sama ng loob ko kahit pa alam niang buntis ako... ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜ขdi ko rin naman matiis at madalas ko pa rin siya knkulit umuwi kahit na siya tong mas inuna ang alak kesa sa klgyan ko. di ko alam kng dhl sa hormones pero palage po talaga ko naiyak sa pagbbuntis ko.. ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

Magbasa pa
4y ago

awww pray lang sis and stay strong para kay baby.

VIP Member

Yung Lip ko pinapayagan ko siya sumama minsan sa mga katrabaho niya kase simula ng nagbuntis at nanganak ako laging trabaho at kami nalang ni baby inuuna niya. Kaya kapag nagpapaalam siya pinapayagan ko siya para makapagrelax at mag enjoy din siya๐Ÿ˜Š Nakakatuwa lang dahil alam niya parin limitasyon niya at siya mismo nagbibigay ng oras ng uwe niya๐Ÿ˜Š anw. Yung mga katrabaho niya kilala ko hehe iisa lang kase work namin ni LiP๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Sis, palagi ba ganyan lip mo umaalis para makipag inuman? Kasi kung minsan lang naman give him time na makasama mga bestfriends niya. Ganyan ginagawa ko sa asawa ko dahil di naman lagi. As in sobrang dalang lang siya lumabas with his bestfriends or workmates. Yung mindset ko kasi ayaw ko siya ikulong nalang sa mundo namin and I want to give him space pa minsan minsan with his friends. Para di din niya ma feel na sinasakal ko siya.๐Ÿ˜‚

Magbasa pa
4y ago

ganun nga siguro sis. parang hirap akong iletgo sya sa ibang tao gustong gusto ko ako lagi nya kasama. bago palang po kami 1yr palang po. hehe yun din naisip ko baka nakakasal yung ginagawa ko. nagsorry din ako sa kanya.

Ganyan din si LIP. Madalas asa inuman tapos late uuwi. Sinabihan ko nlng xa na cge habang dpa lumalabas si baby enjoyin mo na ngayon, pero once lumabas si baby at ganyan kpa rin uuwi nlng ako sa amin sabi ko sknya at seryoso ako doon. Although friends ko dn nmn mga barkada nia xempre tatay na xa dapat alam na nia responsibility nia, hndi yun pagiging under.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din nuon partner ko. Nagbago lang siya nung di siya umuwi sa usapan na oras namin. Taz natulog siya sa garage kasama yung mga tinapon kong gamit niya. ๐Ÿ˜‰ Minsan kasi show him who's the boss. Baka mas pipiliin niyang matawag niyang UNDER kesa magmukhang kawawa sa labas ng bahay natutulog. ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ

Magbasa pa
4y ago

ayyyy iba sis hehe.

Nung magjowa palang kami ng asawa ko, pinaiwas ko na sya makisama ng madalas sa mga barkada nya. Kaya mga barkada nya dangat sakin ngayon. Kapag inaaya nila asawa ko, at nagsabi na yung asawa ko sa kanila na uuwi na sya, ultimano payag sila agad. Kasi alam na nila mangyayari sa susunod.

Una sa lahat, buset ang barkada niya Alam nilang pamilyado siya, tapos mahihiya siyang makanchawan siya? Hindi naman pagiging under ang pagiging responsable Dapat siguro sakanila mag mature muna. Hindi yung ganyang kakanchawan nila pamilyado nilang kabarkada Kaka init ng ulo ha.

Magbasa pa
4y ago

nakapagusap naman kami. tinanong ko sya kanino ba sya mas maniniwala sa akin or sa mga bestfriends nya. nagsorry sya kasi sya ang nakaisip na baka pag alis nya mg maaga pagusapan sya sa likod nya na under daw sya. ongoing pa kami sa paglago ng relationship hehe

Buti nalng at hindi na nakikiapg mingle sa barkada yung lip ko simula ng nagkapamilya kami..priority niya kami kisa sa barkada..kung iinom man siya sa bahay lng.. kung nasa tamang pag iisip barkada niya maiintindihan niya partner mo kasi pamilyadong tao na barkada nila