selfish

Selfish daw ako sabi ng asawa ko. 4 years na po ako nagtitiis dito sa kanila sa mga salitang hindi magaganda below the belt na mga trato nila saking basura siguro need ko naman ng peace of minda feeling ko mababaliw na ko dito. Sinabi ko kay hubby lahat ng sama ng loob ko sa pamilya nya sabi ko na dedepress na ko at feeling ko anytime sasabog na ko baka makita nalang nya ko nakasabit nalang or kaya nababaliw na ko. 4 silang magkakapatid 3 lalake 1 babae yung babae wala pang asawa pero 3 lalake meron na sobrang spoiled ng kapatid nyang babae kaya nakakainis din ang ugali akala mo palagi 1 taong bata na kaylangan isusubo mo lahat sa kanya. Parents sobra pakialamera akala mo yaya ako ng sarili kong anak ituring nila ko basura ipapamukha pa nila bawat binibili nila samin kahit hindi naman namin hiningi. May anak kami ni hubby 2 years old nakikitira kami dito sa parents nya maganda naman work ng parents nya kaso etong si hubby sabi nya napaka selfish ko daw kung aalis kami dito kawawa daw anak namin. Sumasahod naman po sya ng 15-16k a month. Kayo po mga momsh matatawag po ba na selfish yun balak ko kasi makatapos lang tong pandemic na to aalis na kami dito ng anak ko if ayaw sumama ng asawa ko kung sasama naman po hanap kami murang uupahan mag iipon narin po ako paunti unti gamit sa bahay may ipon naman po ako balak ko din mag online business tulad ng dati konh ginagawa ng stop lang po ako kasi nag away kami ng byenan ko dahil gusto nila lahat ng kukunin nilang product sakin is free.

13 Replies

Mas mgnda tlg may sariling bhy ksi sarili mong rules.. and wlang makikielam.. ndi mo mapipigilan mangielam un parents ng husband mo dhl dyan ka nkatira sknla.. plus ndi maiaalis un magkaron ng samaan ng loob dhl ibang tao ka e.. ang magkakpatid nga nagaaway sa mababaw na dhilan un pa kaya ibng tao. But u should talk to ur husband pg ok mood nya.. tanungin mo ano ba plano nya? Ndi nmn pde ksi habng buhay kau dyan sa family ng husband mo nkatira dhl ndi maiiwasan mgaaway tlg kau.. bka ksi may plano nmn sya na after 5 years lilipat na kau or bbli sya ng bhy nagiipon lng sya... and u can help him din pra mas mkita nya ung eagerness mo na lumipat.. for me nkatulong din sa akin un ksama ko family ng husband ko sa bhy b4, I was 19 years old when I got pregnant.. ksi may magtuturo skn ng tama sa pag aalaga ko sa sarili ko after ko manganak and higit sa lht may mag guguide skn sa pag aalaga ng baby.. lht ksi tau dumadaan sa first tym e so definately need ntn ng guidance nun nka xperience na.. plus pg aalis aq panatag loob ko iwan c baby ksi alm ko family ng husband ko nag aalaga sa baby ko..

Mam, wag nyong masamain ang aking sasabihin i should listen 2 sides of the coin bgo ako mag judge but ganun pa man lahat ng in laws would always be an out-law pero sna bago ka sumama sa lalaking iyan kinilala mo muna ng lubusan ang lalaking yan...mukhang d pa nya kayang mag buklod kaya dyan kayo nakitira kaya dpat lang tiisin mo lahat ng ginagawa nila. The best thing i can tell you keep yourself busy at ipakita mo rin sa kanila na kumikita ka at d lang umaasa sa sahod ng asawa ...be productive. Don't mind his family or siblings para walang gulo....just mind your husband and your child. Pag usapan nyo ng maayos ng asawa mo the pros and cons

Better kung bumukod na kayo. Kausapin mo po si hubby mo in the nicest way you can para mapakiusapan mo siya.. convince him sa mga magiging advantages kung bubukod na kayo at kung ano magiging plano niyo na kayong pamilya lang. I suggest when you talk to him, never mention anything about his family or kung ano opinyon/reaction mo sa family niya. Talk everything that is about the two of you and your kids para mas makapag-isip siya ng tama.

Hi mommy. Somehow I can relate. Kahit ako hindi masyadong makapagvoice out sa biyenan ko. Para ngang hindi ako yung nanay ng anak ko kasi sila yung mas nasusunod sa anak ko. Nakakafrustrate lang. Agree ako na after na lang ng pandemic yung pag-alis mo dyan sa parents ng asawa mo. Be strong ka lang muna para sa anak nyo.

VIP Member

Pa click po -> https://s.lazada.com.ph/s.ZDmYh Once na mag asawa na po kau dapat po tlga bumubukod na po kau kc tlgang mahirap makisama sa isang bubong kasama ng mga pamilya nyo may trabaho nmn asawa mo eh ndi selfish un ayaw nya lang mas ok pang bukod kau makakatipid pa kau at wala kaung maririnig sa knla👍🏻

Medyo may saltik din po asawa mo, sorry po ah. Pero may pamily na sya, dapat kayo na priority nya. Tsaka kung ginaganun ka ng mga tao dyan sakanila, dapat sya mismo magtatanggol sayo and hindi nya hahayaang ganunin ka nila. Tama po desisyon mo, ipon ipon ka na po tapos layasan mo silang lahat. Mga toxic na tao.

Asawa mo sis nka depend sa family nya, Lumayas ka jan baka mabaliw kna jan, uwi ka muna sa mama mo , mas mabuti pang walang pera kaysa jan kang toxic , mamuhay lng na simply Happy na ,,,,umalis ka sa mga toxic na tao,.....

May work ka ba para ma2lungan mo c hubby mo kc mahirap bumukod rent saka bills sa kuryente tubig at pagkain nyo pa. Pagplanuhan ang pagalis wag padalos dalos isipin ang dalawa mong anak baka mahirapan cla. Advise lng

VIP Member

Lumipat ka na sis kahit ayaw ng asawa mo. Yun naman talaga ang nararapat. nasa 15k naman pala sahod ng asawa mo saka may mga kapatid naman pala yung asawa mo na pwede pa rin magbantay sa magulang nya.

Toxic din ng asawa mo sis. Kung ako sayo, aalis nalang kami ng anak ko. Masyado dumedepende ang asawa mo sa parents nya, hindi na sya teenager kamo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles