Pa vent out lang.

Hello mga ka mommies. Pa vent out lang. Grabe na kasi talaga. Kumuha kami ng yaya para makapagtrabaho kami ng partner ko ng maayos para sa baby namin pero ang nagbigay samin non yung parents ng partner ko. Nakakainis lang dahil nagrrelay yung partner ko sa desisyon ng parents nya just bec sila yung nagpasok nun samin. Kakasimula lang nila samin wala pa nga 2 weeks samin nagpaalam na 1 week mawawala. Yung isa ang paalam dahil daw sa pamilya nya na yung isa nyang kapatid naaksidente which is understandable pero nagpaalam 3-4 days ago pa at gusto sa 30 aalis which is nakakafrustrate. At etong isa naman na kasama nya din nagpaalam na pati rin daw siya uuwi 1 week sila parehas mawawala. Kinausap ko partner ko about this tapos ang sasabihin lang sakin kesa daw wala kaming kasambahay kaya papayagan sa lahat ng gusto nila! at wala daw magagawa dahil parents nya nagpasok haha. Sobrang nakakainit ng dugo. Baka every holiday ganyan mangyyari. Puro bakasyon nalang.Nakakastress lang.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ramdan kita sis, un bang nkacondition kna na mgwork pero bigla may emergency ang yaya tapos ikaw magiging yaya, may nakuha naman kami ngayun usapan namin yaya sya at priority nya mga bata bago ung trabaho sa bahay, aba inuuna naman trabaho sa bahay tapos kami na ung nagiging yaya, imbes na mkpgwork kami ng maayos. Teacher kami sis at work from home lage. Kaya ngayun 6 months na kasama namin takot pa din mga twins namin skanya. Gusto ko na palitan pero naawa ung asawa ko skanya.

Magbasa pa
3y ago

Hahaha! iwas na iwas sa mga bata. Ganyan na ganyan din sinabe ko sa mga yaya noon tapos ending aalis wala pa 1 month 1 week palang di daw kaya alagaan yung baby. Di naman pinapagod lahat ng pagkain masasarap tapos di pinagdadamutan palagi iniintindi kaso sobra na yung kakapalan ng mukha eh. Masyado pa privilege eh. Sobrang nakakaimbyerna. Kumpleto p tulog nila ha. Di ko pinupuyat sa pagaalaga ng baby. Trabaho sa umaga sa gabi alaga sa baby