CS Mom
Scheduled CS this jan.31.? Kinakabahan and may fear po talaga ako sa injection.Any advice mga mommy? *ano po mga dapat kong paghandaan *sobrang sakit po ba ng epidural? *ilang araw po bago maghilom ang tahi? *masakit po ba pag panay tayo halbawa iihi?o need mag diaper nlang? pahelp naman po..first time mom po. first time din maooperahan?

Ako din po, scheduled CS ako last December. Sobra din baba ng pain tolerance ko na nun bata ko, pag nagkasugat, halos ayaw ko paliguan. π Pag andun ka na, mawawala na din un kaba mo. Sa akin, mas masakit un nilagyan ako ng dextrose kasi twice pa ko nilagyan at para daw medyo nagputok un ugat na pinaglagyan ng una. 6:30 am andun na kame sa ospital ng partner ko pero 11 am pa un schedule ko. So andun lang ako sa labor room, nakaidlip pa nga ako. Walang kaen kaen na un hanggang sa kung ano ano na nilagay sa akin pang monitor kay baby habang andun ako sa labor room. Nagchills lang ako dun sa paglagay ng anesthesia. Ang bilis kasi ng pangyayari, nagfluctuate na kasi heartbeat ni baby sa loob ng tyan ko kaya kahit wala pa yun OB ko, yun OB assistant na un nagstart ng operation. Ni hindi ko nakita OB ko ng day na yun, narinig ko lang boses nya π Kaya siguro un kaba napalitan ng pagtataka kasi ang bilis talaga e. Medyo nasaktan din ako dun sa paglagay ng catheter kasi di pa umeeffect yun anesthesia, pinasok agad yun catheter kaya napaaray talaga ako. Hanggang sa wala na ko maramdaman sa lower part ng body ko. Para bang manhid na manhid na sya talaga. Sinedate din ako, yun medyo mahapdi din un. Ang init nun tinusok na yun. Pero worth it naman nun paglabas ni baby lalo na nun sinabi ang cute ng baby ko ππ Yun recovery, ayun, di na maipinta mukha ko hahaha. Ang sakit e. Ramdam mo na para ka na nabugbog na ewan, nakakanginig un unang pagtayo. Wala pang 24 hrs pinatayo na ko. Kelangan kasi makawiwi ka before ka inom water then umutot at dumumi bago ka umuwi. 3 days ako sa hospital, pinaliguan pa ko nun kasama namen sa bahay nun 4th day ko. Be ready din pala sa lochia, yun un dugo after mo manganak. Nakalimutan ilagay nun partner ko un napkin sa bag namen (di ako bumili nun parang diapers e napkin lang okay na pero bumili ako ng bagong panty, yun pang nanay na talaga na panty) kaya habang hinihintay un pinsan ko na dumating dala un napkin ko, duguan talaga ako. Si partner na lang nagpunas gamit wet wipes nun dugo. Sobrang dami ko naexperience na ayaw ko na ata ulitin haha π pero di lang dyan natatapos lahat kasi mahirap un recovery din, di mo kasi alam kung ano uunahin mo, magpadede ba, magkikilos kilos ba, bubuhatin si baby, puyatan to the max. Pero ganun talaga e, nanay na. Iyak lang then laban uli. βΊοΈ Kaya mo yan sis! Praying for your speedy recovery for you and a healthy bouncing baby π
Magbasa pa