Antibiotic

Safe po ba uminom nito pag buntis? 15 weeks preggy po. Nireseta kasi to sakin sa center kasi po sumasakit puson ko. Naninigas sya tas masakit. Parang natatamaan na di ko maintindihan. Tas eto po binigay. Ayaw painom sakin ng mama ko kasi di daw ako pwede mag antibiotic. Mababa din po kasi matres ko. Di ko alam anong gagawin ko. Sabi sa center parang mahuhulog na yung baby. ?? Edit: sa ihi daw po pala to kaya binigay sakin pero sobrang liit lang daw po ng infection, madadaan po sa tubig. Di naman po ako hirap umihi, ang masakit po talaga sakin baby bump ko pero hindi po ako binigyan pampakapit.

Antibiotic
71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you mommies sa mga comments nyo po ❤️ Nagpaconsult na ko sa OB at di nya pinaiinom sakin to kasi wala naman daw ako infection. More on water or buko lang daw and lumalaki lang daw si baby kaya nakakaramdam ako ng pain kasi payat ako. Naistretch yung sa puson. Bawal lang daw magbuhat at magsasakay sa motor. Okay naman si baby 🙏🏻 Maganda heartbeat nya 😍

Magbasa pa