Pag nag sustento na ba sya mabuti na ayang ama?

Sabi sakin ng partner ko wala daw akong kwentang ina. Akala nya siguro madali lng mag alaga ng baby. Tama ba na mag sustento lang sya?? Pero hindi nya mabigyan ng attensyon ung anak nya?? Yun lng nman gusto ko unahin nya pamilya nya kesa mga barkada, wala nmn naidudulot na maganda sa pag sasama namin mga ginagawa nya. Madalas kami mag away dahil sa pag fefeeling walang pamilya sya.. d nya manlaang isipin kung kumain na mag ina nya.. ang sakit lang kasi sya pa may gana mag sabi sakin na lumayas ako kahit isama ko anak ko. Sabi pa nya lumayas ka kung kaya mo buhayin anak mo. Lahat gagawin ko mabuhayy ko lng anak ko kahit gano kahirap. Dapat na ba akong lumayas??

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

aba'y feeling binata yang asawa mo, naku, nakakainit ng ulo hahaha! mabuti pa talagang layasan nyo na yan ng anak mo at wag na magpapakitang muli. may parents ka pa ba? doon mo na lang muna iiwan sa parents mo ang baby mo para makapag work ka. wag ka nang tumanggap ng sustento jan sa asawa mong walang kwenta. hindi porket nagbibigay siya ng sustento e mabuti na siyang ama, hindi lang naman pera ang kailangan ng anak nyo kundi pati ang presensya niya. kung hindi pa siya handa maging ama edi iwan mo siya. magbuhay binata siya tutal yun naman ang gusto niya, unahin ang mga barkada.

Magbasa pa