Ob or Ultrasound?

saan po ba dapat maniwala??? kasi sa Ob ko feb11 ang due date na sinabe. Sa ultrasound naman feb22 at paiba iba pa merong feb18 feb26? nalilito ako. kasi papauwiin ko dito ang asawa ko bago ako manganak, di ko alam kung anong due date talaga. kaka checkup ko lang ulet nung thursday feb11 talaga sabi ng Ob pwede daw mapaaga or sumakto.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kung d naman masyadong malau pagitan ok lang po yan usually pag d tayo sure sa last.menstruation natin dun nagrerequest ang OB ng ultrsound para makita ang due date at dun mag base si OB at everymonth nag cocompute ang OB m sa monthly kasi meron 30 days at 31 days kaya minsan d nafafall sa expect po. Sa nakikita ko naman sa compute d nagkakalayo layo. d least sa unang ultrasound mo yan magbabase at d malau sa compute ng OB base naman sa sinabi m sa kanya ma last mens po

Magbasa pa
6y ago

tama po kasi pag d tayo nabubuntis d nati pinapansin masyado ang period as long nakakaruon tayo at d naglalayo sa usually na monthly natin ok n yun kaya pag nalate na ng period naiisip tayo kelan exact date ba ng last period natin. momsie basta pag malapit ka na pumasok sa ika 36 weeks po or 9months pede mo na pauwiin si husband para atleast makapag pahinga din sya

sa ultra sound po kasi + or - minus 2 weeks po.. un po ung explanation sken ng ob q dati.. kung feb 22 po nag appear pwedwng 2 weeks before or 2 weeks after yan due date.. ung ob po kasi sinasabi ni ung result base sa calculation nya ng last menstraution mo.. like sken, calculation ng ob q is 9 weeks preggy aq but ung reault po sa trans v q is 6 weeks plng.. basta mag ready ka nlng po before ba dumating yong date na sabi ng ob mo or ng ultra sound. goodluck po..

Magbasa pa

Mas magbase k sa OB mo.. Usually ang ultrasound late ng 1 week ang AOG kysa sa computatio ni ob.. C OB ng base kc sa last menstrual period mo n binigay sknya... Ang Expectate Date Of Delivery mo usually guide lng po yan kung kylan ka malapit manganak pwede 1 week before or 1week after ng due date n binigay sayo.. Hnd po tlga malalaman ni ultrasound kung kylan ang eksakto due date mo depende po. Yan sa activity ng baby and ng katawan mo.

Magbasa pa

kung kelan nyo po xa ginawa dun mo bilangan ng 9 months😊. s ultrasound ko sep 21 lumabas c baby sep 12. its either 2 wks before or 2 weeks after. ndi po ganun kaaccurate ang ultrasound pati ung pgbase sa last mens mo. proven ko n xa s 3 babies ko saktong 9 mos lalabas c baby. kung tanda mo wen nyo ginawa na fertlie ka kaw mismo mabibilang mo😉.

Magbasa pa

Yung Ob po kasi nagbabase sila sa last menstruation natin, ung ultrasound naman sa size ng baby. pero sabi nung kaibigan kong nurse na nag aassist sa panganganak, dun sa clinic nila, sa ultrasound sila nagbabase ng edd. much better po mag ready nlang po kau ng mas maaga para wla kayong hassle 😊

tinanung ko na yan dati sa OB ko kc iba iba nga un nalabas bawat ultrasound, sabi nya un pinaka unang Due date na lumabaa u ang pagbabasihan. so if Feb 11 un pinaka unang nkta sa ultrasound dun ka nalang magbase and pde xang lumabas a week bfore or after the due date.

ang ultrasound po nagbabase sa size ng baby, si OB naman sa last mens. Nakatatlong Ob rin ako palipat lipat kasi ako nun ng pinagpacheckupan sa 1st OB Apr 22, sa 2nd Apr 26, sa 3rd OB ko sabi nya Apr 10, then ayun Apr 10 nga ko nanganak 😂

Ganyan din po sakin iba ang EDD sa OB at sa Ultrasound. Sa ultrasound binibase po kasi nila sa size ng bata iminamatch nila sa ideal. Kaya po talaga dapat prepared na tayo maaga pa lang. Haay nako haha nasstress na ako ngayon palang.

VIP Member

hindi naman kasi nasusunod talaga yan. depende pa rin sa baby mo kung kelan nya gusto lumabas. totoo un. estimated lang kasi lahat yan and magbabase sila sa maturity ni baby mo sa loob mo.

kung ano po ung due date nyo sa ultrasound, yun ang eDD m tlga. pag niread ni oBgyn m ung sasabhn nya 2 weeks early pwede kana manganak up to sa date dun sa ultrasound mo.