work

Sa sobrang tagtag ko sa byahe ( motor) at halos 6hrs nakaupo, muntik ako makunan kung di pa ko nagpacheck up. Need bedrest at pampakapit. Bumubuka daw kasi cervix ko at gusto ng lumabas ng baby. Ask ko lang, kapag ba sinabe ni OB na okay na free to work na ulet kahit ganon pa din ang sistema ( tagtag sa byahe 6hrs nakaupo or more ) may chance ba na bumuka ulet crrvix ko? At matuluyan malaglag baby ko? ? I need advice please. Sa katapusan pa kasi check up ko. Gusto ko na bumalik sa work kasi hirap na si hubby sa pagbubudget at di naman ganon kalaki sahod nya. ? Ps. 6hrs po nakaupo sa work hindi po sa motor. Pero pagpauwe at papunta nakamotor po kame

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ganyan din nangyari sakin sis.. nag funneling cervix ko. Advised bedrest ako for a month .. pero nagdesisyon na ako mag early maternity leave kahit 5 mos preggy pa lang ako. Nakakatakot kasi baka manganak ako nang maaga. Depende pa rin yan sayo sis. Ako nagrisk ako na alam kong mashort kami kaya nag apply ako sa sss sickness benefit, pwede ka nilang bayaran max 120 days dahil sa bedrest mo. Pag isipan mo po. Kawawa kasi si baby pag naulit ung pagbuka ng cervix mo..

Magbasa pa