Yaya Blues
Sa mga working and non working moms, did you consider having a yaya pa? Ang hassle kasi maghanap ngayon. Actually, after ng maternity leave ko, iniiwan ko sa kasambahay namin si baby (2 sila na naghahati sa pagbabantay and alaga narin) Almost 6mos na sila samin. Kaso medyo naartehan ako sakanila. Kasi originally talaga, yung isa sana yaya ni baby pagkapanganak ko. Kaso syempre while buntis ang division of labor nila yung isa toka sa kitchen the other one naman more of laba (may washing machine naman) Since ngayon naiiwan nga sakanila (with help of my parents), parang gusto pa nila ng isang kasama para mag-yaya lang. Parang ang gastos lang kasi, considering na 2 na nga sila tapos mag-add pa kami on the top of their sweldo na. Should I get a yaya na focus kay baby? O wag na lang? Bukod sa mahirap maghanap, ang gastos narin kasi. Tapos yung iba ang arte pa namimili ng sahod or may demands sa amo.
Happy Mom Of 2 * shopee.ph/angeloangel287