Sa mga SAHMs po dito, binibigyan ba kayo ng allowance ni hubby? Magkano? Ako hindi iniiwanan ng pera, kung kailangan lang may bilhin para sa bahay o sa bata. Nahihiya naman ako humingi para sa kin lang...

ako walang allowance galing kay hubby pero pag may gusto ako, pag nagsabi ako sa kanya binibigay nya naman. pagkain lang kasi palagi ko hinihingi like mga midnight snack o milktea pero pag mga gamit ko na like makeup o mga damit nahihiya nako magsabi kasi iniisip ko na may mas dapat pag gamitan ng pera. ako na mismo nahihiya, diko nalang sinasabi. nung una naawa talaga ko sa sarili ko kasi hindi ako sanay na nanghihingi ng pera dati kasi bago ako magbaby maganda work ko tapos nabibili ko lqhat ng gusto ko at ako nagsusustento sa parents ko kaya nung nag stay at home ako parang dun ako nadepress kasi ang hirap pag wala kang sariling pera. nasanay na rin naman ako na ganun as long as napoprovide yung basic needs namin ni baby okay nako dun kasi un naman talaga ang importante. pinagpapasalamat ko lahat ng effort ni hubby tapos iniisip ko pag nakabuwelo nako makakapag work din ako at kikita ng sarili kong pera. sa ngayon tiis tiis muna. luho lang naman yan, importante eh hindi kami nagugutom at napoprovide yung kailangan namin.
Magbasa pa
Ausome mom of 2 ❤️