Sa mga SAHMs po dito, binibigyan ba kayo ng allowance ni hubby? Magkano? Ako hindi iniiwanan ng pera, kung kailangan lang may bilhin para sa bahay o sa bata. Nahihiya naman ako humingi para sa kin lang...
asidw sa allowance na binibigay ni hubby for baby, 3k binibigay nya for me every 15 days. para sa sarili ko lang. although ako din naman humahawak ng sweldo nya. most likely, tinatabi ko lang ung binibigay nya or minsan pag makakita akong maganda for my lo, dun ko nlang binabawas.
working mom aq...kya ang set up nmin ng hubby q xa nhawak ng atm nmin dlwa & xa mgwwidraw...pkwidraw nya bbgay n nya skin buong pera pra aq mgbudget...praan un pra alam nmin preho ang pera n pmpsok smin...ms mtipid kc aq kumpara s aswa q kya nkkaipon kmi pg aq humahawak ng pera..
Ako, bini'bigyan niya ako 5k every sahod niya. Yung mga need ni Baby like gatas, diaper and etc. Siya pa bumi'bili. π Minsan siya na rin bumi'bili iba kong personal needs. Ewan ko lang kung pati sa pag'balik ko ng trabaho ganun pa din. HAHAHA Naka'Maternity Leave pa kasi ako.
try mo po magsabi sa husband mo...kasi we as moms we also have our personal needs...di nman po masama humingi...magusap lang po kau maayos..ako po kasi pag may gusto akong bilhin lalo na pag sale ang shopee at lazada...humihingi ako budget pambili ng mga gusto ko..hehehe! π
Working abroad si hubby, ako naman Full time nag aalaga kay baby. Alam ko magkano sahod nya pero d ko hawak, pnapadalhan nya kme ng mga needs ni baby at bills sa bhay st bnibgyan nya rn ako ng mga gusto kong bilhin pero marami pa dn natitira sa knya iniipon nya lng.
Simula nabuntis ako, nagwiwithdraw lang si LIP then nasa bahay lang pera. Kukuha lang siya ng pang gastos at pang gas then yung pera nasa akin lang. Kapag may binili ako sinasabi ko sa kanya. Same lang din sa kanya nagsasabi din siya kapag may bibilhin siya or what.
Ganyan din kami before pero nung nakita nya na pag ako may hawak ng pera e nagtatagal samin ang panggastos namin. Kaya later on nasakin na atm nya. Humihingi nalang sya sakin ng allowance nya. Try nyo po mag usap maiintindihan ka naman po ni hubby mo π
Pwede ka magopen up sa kanya na kailangan mo din ng extra budget para sa sarili mo. I hope maintindihan naman ng asawa mo na may personal needs ka din. Magusap kayo kung kakayanin sa income nya yung allowance na hinihingi mo or kung paano kayo magmeet half way.
yes everyday baka daw may gusto Kong kainin na di nya nabili bumili nalang daw ako . pero sya PO naghahawak ng pera kase sya nagbubudget sa bahay HAHAHA. ayoko kase magisip Ng ulam araw araw tapos Yung mga bayarin pa like kuryente. pero soon itatry ko na haha
nag bbgay lang sya 10k per month . nag bbgay pa din kasi sya sa parents nya and ok lang nmn sakin kasi mai work nmn ako . ung sahod ko para samin lang ng baby ko hahah di ko na sya binibigyan ππ and pag umaalis nmn kame sya pa din mai sagot ng gastos π
Already A Mom