Sa mga SAHMs po dito, binibigyan ba kayo ng allowance ni hubby? Magkano? Ako hindi iniiwanan ng pera, kung kailangan lang may bilhin para sa bahay o sa bata. Nahihiya naman ako humingi para sa kin lang...

284 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

samin naman ni hubby sa akin binibigay ni hubby lahat ng sahod. ako naman ang nagbibigay ng allowance nya.

VIP Member

Yes may allowance every month natatanggap ko sa allottment nya pero hnd buo kc ang kalahati nsa nanay nya.

diko hinihingi sahod nya pero lagi syang nagtatanong kung anong mga kailangan ko at sa magiging anak namin

Php1,500 a week ang allowance ko. Ibinabawas naman namin yun sa budget namin at hindi galing sa asawa ko.

Ako binigyan ng pera para sa meal na 15 days at iba din yon para sa akin kahit konte basta may akin.

Para sa bata lang ang hinihingi ko. Ayaw ko ng utang na loob. Weird pero ewan ganun takbo ng utak ko

VIP Member

Binibigay nya po lahat saken mamsh pero dalwa kaming nagbubudget kukuha na lng aya ng pang allowance nya.

VIP Member

Parehas naman kame may money pag about naman kay baby kumukuha lang ako sa wallet na para saming dalawa

wala akong allowance pero pag huminge ako nagbibigay naman siya. puro pagkain lang naman binibili ko.

Oo meron, binibigyan nya ko para sa sarili sa mga gusto kong bilhin, then iba pa ung savings namin