Sa mga SAHMs po dito, binibigyan ba kayo ng allowance ni hubby? Magkano? Ako hindi iniiwanan ng pera, kung kailangan lang may bilhin para sa bahay o sa bata. Nahihiya naman ako humingi para sa kin lang...

Buon sahod nya binibigay nya sakin, but ako bumibili ng needs nya like damit, gas and konting luho.
sakin hnd ako nanghihingi pru kusa nya ako binibigyan hnd lng pra sa budget pati narin sa needs ko
Pag asawa na po mommy hindi ka na dapat nahihiya humingi kasi kung ano ang kanya sayo na dinπ
Ako talaga nahingi lang.. Hehe.. Obligasyon dn naman nia kong bgyan eh xempre kumakain dn ako..
parehas kami may work at ako pinapahawak nya ng pera. di daw kasi sya magaling magbudget lol
Smin nsakin ang sahod nya humihingi lang sya ng 5 or 20 pag my gsto syang bilhin..
Yes. Binibigay nya sakin lahat ng sahod nya plus bukod pa yung allowance ko monthly. :)
Nope hehe. Same may work eh. Tas mga gastos kay baby at mga vitamins ko hati kami π
Yes monthly binibigyan niya ako allowance para mabili ko daw yung mga gusto ko βΊοΈ
smin ako ang ngbubudget ng mga gastusin. at ako din humahawak ng sweldo nming dalawa


