Sabihin mo lang sa OB mo na niregla ka ng october 4 pero nagka spotting ka ng october 26.
Ima-matcha ng Dr yung laki ng baby sa Ultrasound doon sa date (alin man doon)
Kasi sa akin, ganyan din pero 1 month ang pagitan.
May 2020 last menstruation ko, pero nag bleed ako ng June pero hindi matagal, lumabas lang yung dugo tapos spotting na the rest of the day and the following days. Nung nagpacheck up ako, sinabi ko yun sa OB ko na nagmens ako May pero nag bleed din ako ng June, ang ginawa niya nilagay niya yung May na date, sabi niya hindi daw match yung laki ng baby sa ultrasound ko sa May date, nilagay niya June, nag match na.
Ayun, ganon lang gawin mo. Don't leave out details regarding sa pregnancy mo.
Anonymous