Period & implantation
Hi, sa mga nakaka alam ask ko lng po kung ano ang sure nasasabihin sa ob pag tinanong ako kung kelan ang lmp ko? Yung sure period po ba or di ko sure na regla ba o implantation lng. Ganito po kasi yun, regular period ko montly, sep.5 niregla ako so sympre sa kagustuhan nmin makabuo naghintay ako na madelay ang period ko para makpg take ng pt. So nag take ako oct.4. Negative nmn at mga bandang hapon nrn eh lumabas na regla ko. Eh di nadismaya lang ako. Then oct. 26 nagkaspotting ako kulay brown na marami at medyo creamy cia inutusan ko asawa ko na bumili ng napkin sabi nya meron na nmn daw uli ako samantalang kakatapos ko lng bakit daw ang aga, so pinakita ko sa kanya kung implantation na ata un at 3 days lang tumagal at d nmn kalakasan un tulad ng regla tlga. At sympre d ko na masyadong inisip na implantation na nga iyon kc baka madisappoint na nmn ako kaya d narin ako nagpt. Then, nov.25 nag try ako magpt ng madaling araw mga around 2am, nagpositive cia ng malinaw kitang kita na 2line cia. Kaya tanong ko po kung saan ako babase ng date. Oct.04 o oct.26? Kung sa oct.4 po 36 weeks na ko now. At kung oct 26 naman po sinunod ko 33 weeks and 2 days palang po akong buntis. Advance pasalamat po sa mga makakasagot.π #1stimemom #advicepls #pregnancy #pleasehelp