SA MGA NANGANAK NA
sa mga naglabor na po dyan, rate 1-10 po kung gano kasakit o hindi yung paglelabor at pagdedelivery niyo. Heheheh! First time baby ko po, survey lang
Since pang 4th baby ko na po ito, akala ko yung pang 2nd ko na yung pinaka masakit na panganganak ko, so i rate it as 8. Pero mas masakit pa pala yung sa naging 3rd baby ko ๐ almost 10 hahaha Breech kase siya then na normal ko sa awa ng Diyos. Hopefully ngayon sa 4th baby ko eh hindi naman na sana (cross finger) ๐ pero wala naman yata tayong hindi kakayaning sakit para lang sa mga baby natin. So kaya mo yan mommy. Pray lang and be strong. God bless ๐
Magbasa paNung nagle-labor ako. Halos nanginginig ako pag naghihilab yung tiyan ko. Di ko alam pano pwesto gagawin ko habang nagle-labor,kung uupo ba ko o tatayo. Basta kung saan ako medyo nakaramdam na nabawasan ng kaunti yung sakit. Rate ko sa labor ay 10 HAHAHA sobra pa sa sobra yung sakit, lalo kapag matagal naglelabor. Buti 9 hours lang ako nag labor. Pinasok ako sa er 9:45, lumabas si baby 10:20. Madali lang. Labor lang talaga sobra yung sakit.
Magbasa paAko mamsh 1 lang as in ewan ko kung bakit, paramg feeling ko di ako nag labor basta basta nalang ako nanganak hahahha ayaw ko pa pumunta ng hospital noom kasi di naman masakit pero may red discharge ako kaya ayun pumunta nalang kami tapos 8cm na pala manganganak na pala ako hahahahha di man lang sumakit likod ko as in wala lang talaga ang dali ko nanganak mga mamsh and im so blessed and thankful for that ๐
Magbasa paMataas ang tolerance mo sa pain momshie.
10 .. mahabang story at adventurer ang nangyare samin ni baby . Muntik na kame pareho mamatay . first time ko makaranas isakay sa ambulance mula lying in at tinransfer sa hospital . Sa loob ng sasakyan pinipilit ko lakasan loob ko para makasurvive at para makita ko pa baby ko . pag dating ng emergency room saktong sakto lang ,lumabas na kagad si baby . Nag papasalamat ako sa diyos dahil healthy at maganda baby ko .
Magbasa paMy rate is 10! Super duper sakit. Yung parang patay kana na nakadilat nalang mata mo. Hindi mo alam kung alin mas matimbang. Yung hapdi ba, yung sakit or yung kirot. ๐ Parang may isang libong ka tao na pumapalo sa balakang mo. Pag nag cocontraction, pisil at hampas ako sa partner ko. Sabi nya pisilin mo na lahat wag lang dyan sa pototoy ko. ๐๐คฃ Induced labor btw. 24 hours. ๐ต๐ค
Magbasa paMasakit sya mOmmy sobra pero for sure kakayanin mo yan. Ako kinaya ko nman ang sakit ng pagli labor ng tahimik lng. Pakiramdam mo natatae at naiihi ka sa sobrang sakit pero no choice ka kundi tiisin. Sbi ngah ng nurse ang galing mo mOmmy kinaya mo. Worth it lahat kpag labas ni babyโค
Sa first baby ko halos sbihin q ayaw ko na cs nio na q so 10 hahaha pero na normal w nman awa ng dyos sa second baby hnd q na snabi un masakit padin pero hnd katulad nung una so sa second baby is mga 6 ๐ kaya yan mamshie pray lang aun ginagawa q habang nag lalabor aq
10 para sakin.. ung tipong di mo alam qng san nanggagaling ung sakit.. aq kc halos 32 hours nag labor sa 1st baby q.walang aqng tulog nun khit kalahating oras ๐๐. pero depende din daw qng girl or boy..ung 1st baby q kc boy.. sunod sunod ung pag hilab pag boy..
Kaya lang ang sakit mommy ๐ sakin 10pm ako nag umpisang mag labor, lumabas c baby 9:08am enhale exhale lang pag sumasakit o nagcocontract para hindi masyadong sakit..tsaka pag deliver hindi naman masakit umiri ka lang ng 10 seconds tuloy2..
Sa labor ko 6. Sobrang sakit nya pero tolerable naman sya kase di ako umiyak even na sobrang baba lang nang pain tolerance ko. Sa pagdeliver 8. Sobrang sakit as in lalo na pag lalabas na ulo nang bata pero after nun okay na di na sya masakit.