Paglilihi

Hello sa mga mommy dito ? possible ba na ako ang maghili ? Ako kasi nakakaramdam ng nahihilo at nag susuka ehh ? - daddy

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Eto lang yung pamahiin na pinaniwalaan ko, na kapag hinakbangan mo si partner, siya ang maglilihi. Nahakbangan ko boyfriend ko nung time na naglilihi ako. After ilang days, nagsabi siya sa akin na bigla na lang siya sumusuka ilang araw na, nawala paglilihi ko. As in sukang wagas 😂 Sinabihan tuloy ako ng mama niya na hakbangan ko daw ulit. Ayun, umokay na siya, bumalik ulit ako sa paglilihi. Hahaha.

Magbasa pa

Hello po mommy and daddy. Yes po, ganyan rin kami ng asawa ko sa panganay at ngayon po sa magiging bunso namin. 2 months pregnant po ako nung sya nakaranas ng paglilihi, may time na sya mahilig maghanap ng matamis o kahit anong pwede nya makain. But in time babalik rin po sa normal na si mommy na ulit ang naglilihi, nangyari po sa kanya yun siguro mga 1-2 weeks tumagal.

Magbasa pa

Naalala ko yung asawa ko nung naglilihi ako, nagtataka daw siya bakit sa trabaho bigla na lang siyang nakaramdam na nagsusuka siya after kumain eh kahit anong busog niya hindi siya sukahin. Tapos antok na antok daw siya, tapos gustong gusto daw nya nung amoy ng tinapay na tinda sa canteen nila eh di naman siya mahilig sa tinapay 😂

Magbasa pa

yes like my partner sya pa kumakain ng weird na pagkain like ung apple ko kakainin din tapos isawsaw s kape niya, pinaliguan ko lng sya dahil kahit sa work inaantok daw sya minsan bigla bigla mangagat l, and for me prang normal lang ako nagbuntis sa kania n pala lahat naps paglilihi ko

Same with my husband😂🤣 ewan ko lang kung totoo pero parang oo naman kasi during nung time nayun biglang nawala yung paglilihi ko then pagpasok niya daw sa trabaho antok na antok siya which is hindi siya ganon at may gustong kainin🤣 naloka ako nun tawang tawa.

Hehehe cute namn may nakialam ng app ni mommy.. yes po pero d naman po tlga kau naglilihi.. mejo nadadamay lang kau sa paglilihi ni mommy😊 nung 1st trim. Ko din po yung asawa ko napansin ko naging sobrang antukin gutumin at may mga cravings..

Couvade syndrome-partner experiences some of the same symptoms and behavior as an expectant mother. These most often include major weight gain, altered hormone levels, morning nausea and disturbed sleep patterns..😁

Yes po, di ko naman sya nahakbangan pero sya po ang naglilihi sa first baby namin.. Pag nagcrave xa d tlaga xa tumitigil hangga't d nya nabibili, aq namn d mapili sa pagkain.. Nakakatuwa na lang din.. 😊

Opo possible po na ikaw maglihi kung nahakbangan ka po ng partner mo ako kasi ibang case yung kapatid ko na hakbangan ko nung tulog siya ayun siya yung naglihi pinahakbangan po ulit sa akin pabalik nung mother ko 😁

Yes possible po..nahakbangan ka ba ni mommy ng di nia sinasadya or d mo din alam habang tulog ka.. ganun raw kc un.. c hubby ganun nangyari sa kanya kaya di po ako nahirapang maglihi..hahahah d rin nia po alam un