Mga patawa lol

Not going to ask, pero magsha shout out lang ako. ?? Sa mga judgemental na babae jan na akala mo alam na nila lahat ng kwento o buong pagkatao o ugali mo base sa pagkakabasa lang sa post mo, try nyo muna tignan yung mga sarili nyo sa salamin. Masyado kayong malilinis in real life pare parehas naman tayong hindi perpekto. San kayo banda perfect, sis??? Sa profile pic? Kung pwede ko lang sabihin na "try nyo na kayo kaya mag suot ng sapatos ko." (Oopss, baka di na naman magets. Iba ang isipin. Mag comment na naman ng nega feeling alam na alam e ??) Mga babae tayo. Bawat isa sa atin dapat nililift up natin ang isa’t isa. Kaya nga may app na ganito e, isa sa dahilan para sa ating mga mommies/soon to be mommy, e makipag socialize. Makipag usap if ever merong manghingi ng advices, alam nyo yun to make friends, manghingi ng kausap kasi baka nalulungkot na, magtanong sa mga di pa nalalaman etc. Kung magcocomment kayo ng walang kapaparakan at puro negative lang at lalong lalo na e pag dina down nyo lang kapwa babae nyo, kayo lang ang mas nakakatawa. Sino kayo para husgahan ang taong nagpopost? Bida bida kayo alam nyo buong kwento dun lang kayo magbabase? Why not to try na kausapin yung nagpopost, baka nadedepressed na pala yan kelangan ng kausap. Kaya nga diba may sinasabing, FEEL FREE TO ASK WAG MAG JUDGE. gigil nyo ko e. Lalo na rin sa mga nag aanonymous pa jan. Tago tago sa likod kasi mas masahol pa pala sya o ang buhay nya kesa sa nagpost. Sa lahat ng puro nega ang mindset o feeling maraming alam jan (Pag nagpost ako ulit ng rants), I’ll just include you in my prayers. Pwedeng pwede nyo ko ipm tanungin nyo kung ano ba talaga nangyari e. Narealize ko yung iba sa app na to, wala, ganun. Sana mahanap nyo sa mga sarili nyo na hindi rin kayo perpekto. Try nyo mag reflect mga sis. READING COMPREHENSION, HA. Gawin! Baka mas maganda pa buhay ko sa inyo gaganyan ganyan kayo sakin e. Ekis yan! ?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Depende. Pag ang tanong e, "Sino kayang tatay ng anak ko?" Aba sorry pero nakakapang init ng ulo. Ako personally hindi ako perpektong tao. Pero ung makakita ka ng ganyang tanong? Oo I'll judge dahil never ko yan gagawin at maiisip na gawin. Sa ganyang klase ng tanong there will be no such thing as," Hindi nyo alam ang kwento". Kailangan pa ba alamin ang kwento e malinaw nang lumandi? Kung ayaw na hiwalayan, don't cheat.

Magbasa pa
4y ago

Kung trip nila lagi magtanong ng walang common sense bahala sila

VIP Member

True 💯