PWEDE BA MAG RANT?!!
Yung ibang nanay dito hindi na nakakatulong, minsan mag cocomment nambabara pa! Ang toxic na ng app na to imbis na mapagaan nyo yung taong may problema lalo lang nasstress dahil sa mga sinasabi ng ibang nanay dito!! Kaya nga may app na ganito para may mapagtanungan para kapag hindi alam ng isang nanay pwede sya magtanong sa ibang nanay na katulad nya at kung walang mapag sabihan ng problema pwede dito mag kwento. Hindi ba pwedeng respeto sa isa't isa?! Hindi nyo alam pinagdadaanang problema ng tao. Kasi minsan napapansin ko ibang comment dito puro pilosopo puro pambabara hndi nyo ba matiis hndi mambara ng kapwa nanay nyo? May ibang buntis dito na problemado at hndi natin alam na maselan sila mag buntis tapos mambabara kayo sa comment? Kung walang magandang iaadvice please wag na kayo mag comment kasi hindi kayo nakakatulong! Yung iba kasing comment sobra na eh nakakapikon na!