.

Sa mga di pa kasal jan..Ano tawag nyo sa in law nyo? Ako tita?

279 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende. Ako kasi mag jowa pa lang kami as in jowa, not even LIPs kasi di talaga kami nagsama until maikasal ay Mommy Daddy na tawag ko sa parents nya ganon din sya sa parents ko, Mama and Papa na kahit noong hindi pa kasal at nagsasama. Kung sila mismo mag initiate na magpatawag na sa iyo ng Ma or Pa or Daddy or Mommy okay po. Pero at the end of the day it will still be "kung saan ka kumportable ,☺

Magbasa pa

2 years kami live in ni partner pero tita parin tawag ko sa mama nya. Hahaha ikakasal na kami sa nov. 3 pero di ko alam parang nahihiya ako or maninibago pag mama na ang tawag ko. Di ko alam kelan uumpisahan tawagin mama yung in law ko. Hahaha

Tito and tita😊 Pero namanhikan na family ng partner ko last month at sinabihan na ako na mag mama at papa sa kanila kaso nahihiya parin. Plano ko pag nakasal na kami next year saka ko na sila tawaging mama at papa😊😊😊

Di ko nga alam kelan ko tatawaging Mama at Papa sobrang Awkward haha Tita at Tito pa din. Yung Hubby ko kapal ng muka eh bago pa lang kami mag BF/GF noon Mommy at Daddy na tawag sa Magulang ko kaya di awkward sa kanya hahahaha

Super Mum

Noong di pa married, nanay at tatay tawag ko sa mga in-laws ko. Yun kasi tawag ni hubby at ng mga BIL at SIL ko sa parents nila. Sa side ko naman, mama and papa tawag ni hubby kasi ganoon din ang tawag ko sa parents ko.

Tita...pero d ko pa sila officially natatawag na tita o tito kasi d pa kami nag uusap minsan lang at yng iba sa video call pa..ung partner ko naman twag niya sa parents ko nanay at tatay lagi kasi siya dito sa bahay

hahaha pag di niya naririnig or kapag imemention sa ibang tao yung byanan kung babae MAMA at kapag sa chat MAMA pero pag sa bahay lang po lang palagi ang sagot ko PO at OPO. nahihiya kasi ako eh 😅😅😅

Nanay at tatay, pero di pa kami live in ni jowa, sya naman tatay tawag niya sa Papa ko, haha nakakatawa nga kasi di ako sanay na tinatawag na tatay si papa, sabi ko bahala na sya ganun din naman un...

Ako pa kakakasal lang namin nung December. 5 months pa lang kami kinasal na kasi buntis na ako. Hanggang ngayon hindi ko sila tinatawag ma Ma/Pa kasi nahihiya ako.🤣 Pero mabait naman silang in laws

Tita pag nagtatanong ako sa partner ko about sa kanila. Mama at papa pag kachat ko sila, pero sinsanay ko tawagin sila mama at papa sa personal pag dadalaw kami sa bahay nila.