ANONG SAY MO: Biniro lang ba ng Asawa o Pinahiya na?

Sa isang Facebook page na “What’s your ulam pare?,” ipinost ng isang Facebook user ang litrato ng mga ulam na niluto para sa kanya ng kanyang wife for 4 months. Kasama sa kanyang post ang kontrobersyal na caption na: “Ilan sa mga lutong ulam ni misis sa apat na buwan namin bilang mag-asawa. Yung iba di malaman yung lasa, may sobrang alat, may mukang masarap pero hindi, importante nakakain pa rin naman 😂" Harmless joke nga lang ba talaga ito o pinahiya niya ang kanyang misis? TAP parents, kung sainyo ito ginawa ng iyong asawa, ano ang mararamdaman ninyo? SHARE NIYO SA COMMENTS para ating matuklas ang mga important lessons from this incident for our own marriages and family.

ANONG SAY MO: Biniro lang ba ng Asawa o Pinahiya na?
38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

for me ok lng at least honest Yung asawa l, hint na rin para ma improved Ang cooking ng asawa di nmn masama mgibg honest sa partner no perfect relationship ika nga pero Ang mali ni mister di nlng I post dun kasi ma ooffend Ang asawa. dpt marunong din Tayo tumancha ng dpat I post at Hindi ✌️👌🤘

Pinapahiya ang asawa!! Aware naman yata sya na Iba iba ang reaksyon ng viewers sa social media. Bakit nakakatulong ba ang pagpopost nya para sumarap ang luto? Mas mainam pa sinabihan nya ng personal, in a good way yung asawa nya kesa epost pa, . D deserve n misis pagtawanan sa social media

Minsan nakakawalang gana sarapan ang ulam kasi pag may nakita syang binigay ng ulam the reaction is wow ansarap nyan ahhh .. pero pag ako nagluto no reaction. Kain lang lang . Tapos 😑😑😑 .. kaya savi ko buti pa luto ni ganito masarap .... Nakaka asar 😡

Para sakin pinahiya nya yung asawa nya. Pakiramdam ko nga, naoffend ako para sa wife nya eh. Sana hindi nalang sya nagpost kasi pinost nya for what? Para sumikat/magviral at the expense of his wife? For sure, masama loob ng asawa nya ngayon tsk tsk

Why naman pinost pa? okay lang sana kung sinabi na lang kay misis bakit kailangan pa i share sa social media. Para sakin walang respeto si mister dito, hindi naman dapat lahat pinapaalam pa sa ibang tao worst i-post pa sa social media.

VIP Member

ako aminado di marunong magluto, pero nagrerequest parin si partner na ipagluto ko..infairness naman kahit hndi ganun kasarap, kinakain at pilit nya inuubos at inaapreciate pa rin nya yung effort ko..

kahit ano pang lasa nyan, lagi mo dapat pinipraise. minsan nga ang OA na ng reaksyon ko na sobrang sarap ng luto ng asawa ko kahit isang beses palang sya nagluto sa 5 years naming magkasama.

nag comment po silang mag asawa jan sa post na yan, biruan daw talaga nila yan tapos aware yung wife na magpopost si husband ng ganyan. also, sabi nila sabay silang natatawa sa mga comments

for me harmless joke naman... i mean, panget yung joke yes pero hindi naman sguro intention ang ipahiya ang asawa. inaalaska lang sguro tas nag overboard. he needs to sya sorry nlng din

kung ako yan, di naman ako maooffend 😆 bonding na kasi namin magbardagulan mag asawa e.. ang mahalaga naman is sinabi nya yung totoo and atleast kinain nya ☺️