ANONG SAY MO: Biniro lang ba ng Asawa o Pinahiya na?

Sa isang Facebook page na “What’s your ulam pare?,” ipinost ng isang Facebook user ang litrato ng mga ulam na niluto para sa kanya ng kanyang wife for 4 months. Kasama sa kanyang post ang kontrobersyal na caption na: “Ilan sa mga lutong ulam ni misis sa apat na buwan namin bilang mag-asawa. Yung iba di malaman yung lasa, may sobrang alat, may mukang masarap pero hindi, importante nakakain pa rin naman 😂" Harmless joke nga lang ba talaga ito o pinahiya niya ang kanyang misis? TAP parents, kung sainyo ito ginawa ng iyong asawa, ano ang mararamdaman ninyo? SHARE NIYO SA COMMENTS para ating matuklas ang mga important lessons from this incident for our own marriages and family.

ANONG SAY MO: Biniro lang ba ng Asawa o Pinahiya na?
38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sa akin, depende kung ano ang reaction ng asawa mismo. If naoffend si misis, then it's offensive. If natawa lang so misis, ibig sabihin ay ganun talaga ang humor at dynamics nila mag-asawa. Kung sa akin ginawa yan ni mister, matatawa na lng ako kasi alam kong totoo naman. Pero if I do the same post pertaining to my hubby, I'm not sure if mao-offend sya pero sure na hindi maniniwala ang mga friends namin and will just take it as a joke dahil alam ng lahat na magaling magluto si hubby ko ☺️ Friends kami ni hubby since college days even before we became bf-gf, kaya normal sa amin ang magsabihan ng "tatanga-tanga ka kasi", "bulag/ bingi", etc. Sa ibang tao, it will definitely be offensive, pero sa amin ay lambingan lang yun and that's our humor.

Magbasa pa
TapFluencer

ewan ko. kung ako siguro ung misis maooffend ako. kc sa apat na buwan nilang pagsasama at ganyan ang luto ng asawa niya, pwede niya nman i-guide siguro. ung asawa ko pinapatikim niya sakin luto niya taz hingin opinion ko kung ano lasa. kahit di ako masyado marunong magluto, marunong nman ako lumasa. sasabihin ko kung matabang, o maalat o kung parang may kulang. tapos i-try ng asawa ko i-remedy. tapos ipapatikim ulit sakin. ganon din pag ako ang nagluluto. siya nman taga tikim. ganon kami sa bahay. di na siguro kelangan i-broadcast pag ganyan. lahat nman tayo meron panlasa. kung natikman niya at parang may kulang o sobra, di ba parang bonding time pa nila ung pag figure out kung pano timplahan. ayun lang.

Magbasa pa

para sakin siguro ou, maganda na naging honest ka. kasu ung ipost pa online. nakakahiya na yun. syempre sa iba magiging katawa-tawa. Hindi na lang sana nya pinost, at mas mabuti pa sa asawa nia na lang sinabi. Hindi nia naisip kung anu maramdaman ng asawa nia. ako minsan patawa tawa ako sa harap ng iba. pero deep inside kapag may nasasabi na di maganda asawa ko nasasaktan lalo kung sa iba pa nia sinasabi. wag lang mangyayare sakin toh na ipost pa online para anu gawing katatawanan sa knya at sa iba. hindi lahat ng tao pa nman ay makikisimpatya sa mararamdaman. Ung iba talaga pagtatawanan ka at lalaitin pa. Kung di sya nasasarapan sa luto ng asawa nia, sya na lang dapat magluto ng kakainin nila.

Magbasa pa

this man don't know how to appreciate at all. masarap man o hindi, hindi na niya need ipost.. dapat appreciation post nalang ginawa niya hindi yung pupunain nya pa ang hindi maganda. when in fact, asawa siya, dapat binoboost niya ang magandang katangian ng asawa niya hindi ipag sigawan sa social media kung ano ang hindi maganda.. asawa niya yun hindi kusinera . . i hope marunong yung lalaki tumulong mag hiwa o kahit maguhas nalang ng pinaglutuan, baka lahat ng effort sa babae pa . kung wala siyang itits,baka worthless siya. kaya need niya iboost sarili niya sa social media na ang babae swerte sa kanya😒

Magbasa pa

Baka di niya masabi directly sa asawa niya na di masarap ang luto kaya dito niya na lang inilabas 😆 haysst mga kapwa ko babae dito,sarapan niyo magluto. Di porket asawa naten yan is pipilitin nalang natin ipakain sakanila mga luto natin kahit alam mismo natin sa sarili nating Hindi masarap. Sabagay,napaka offensive nga naman kasi neto haha pero malay niyo nga,kaya pinost kasi hindi na makatiis,hindi niya masabi directly.

Magbasa pa

biro lang sa tingin ko. napalaki lang ang issue. kasi naka-tag pa misis nya. (pwera na lang if na-offend at napahiya talaga ang na-feel ni misis) sa totoo lang, sa mga nanay groups, marami ding mga misis ang "namamahiya" ng mga husband nila pag nagtry yung husband nila magluto, tapos ang outcome eh sunog, maalat, palpak, etc. pag mga misis ang nagpost, accepted as joke. pero pag husband ang nagpost, pamamahiya na.

Magbasa pa

For me, PINAHIYA na. Parang walang respect sa kanyang misis. I once cooked for my husband but he didn’t appreciate it so I told him never again will I cook for him, Kaya sya na ngluluto for us 😉 Kaya appreciate whatever your wife or husband cook for you kasi pinaglaanan Nya yan ng oras kahit di masarap pasalamatan mo 😊in fairness naman sa husband ko the best cook naman sya Kaya I let him cook.

Magbasa pa

for me.. kung magpopost ng ganito asawa ko sa socmed... pinahiya na niya ko sa ibang tao pag ganyan.. pasikat yan Lalaki na yan kala mo nakakatuwa siya. kung mahal niya wife niya pwede naman sabihin sa personal kung ano lasa.. at maappreciate pa rin niya effort ng wife niya.. unless nag babardagulan sila mag asawa sa socmed.. siguro posible joke lang kung ganon

Magbasa pa

kung asawa ko yan honestly di ako maooffend kasi totoo naman haha at sya ang main cook namin sa bahay. pero sana mejo nilambingan pa ng nag post ng unti. like sinabi nya ang mga factors na nakakainlab sa asawa nya like even as simple as "pero magaling siya mag linis at mag trabaho at magmahal sakin araw araw" yun pambawi ba para di naman talagang pinahiya

Magbasa pa

actually, Di naman offensive o nakakasakit sa wife kung ganito mag comment ang hubby especially kung kilala nya ang ugali nito. Parang lambingan nalang nila yan as mag asawa, ganun talaga mag appreciate ang ibang lalaki. Kaya para sa akin, Di ako na offend, only biruan lang mag asawa, depende yan sa understanding sa statement nya.

Magbasa pa