TVS RESULT
Hi! This is my result after TVS and I'm worried sa bleeding though minimal lang sabi ng OB kaya need agapan kasi hindi pa alarming so binigyan ako ng duvadilan and another meds for placenta daw. Pinapabalik ako after 2 weeks for TVS again and to check if wala na yung bleeding or hemorrhage. May experience din po ba kayo sa ganito? Huhu. :(( Advice po please. And working po kasi ako from Laguna to Pasig byahe po ako everyday, okay lang po ba yon? Huhuhu :(( #advicepls #firsttimemom #firstbaby #7weeks6days
Hi Yes tvs ako 1 month and 1 day around mga 6 weeks po with cardiac activity as a first time mom im happy kasi for the first time narinig ko hb ni baby then syempre di mawawala kasi meron namuo na dugo. (subchorionic hemorrhage) to think kgagaling ko lang nito sa training sa antipolo gumapang sa putikan nagbuhat ng pt sa bundok. wala naman po binigay yung ob ko na anything na pampakapit just rest lang daw. so ang ginawa ko nalang lagi ako ngpp ultrasound 2x pelvic 1 anomaly scan just to make sure na complete parts and ok si baby then 3d scan yung may picture then another pelvic. para lang makampante. Rest po Mi hindi po advisable yung everyday byahe as a pregnant di ka po pwede mastress unless hindi ka po maselan. always po sumunod sa advise ng ob niyo. time to time magpacheck up and inom vits. congrats and Godbless.Hindi kna lang po nabubuhay para sa sarili mo. take care of yourself for your baby❤️
Magbasa paako po na ranasan ko mgka roon nang hemorrhage hangang now nagpapa galing padin ako simula 4weeks ako buntis nagkaka spotting ako at pagka 6weeks na nagpa check up ako tapos sinabi ko sa ob nagkaka spotting ako tapos ni resetahan nila ako pampa kapit after 1week dipa din ok bumalik ako at dinag dagan ang pampa kapit ko after 1week na naman pa balik balik lang hangang sa nong november 21 bigla ako dinugo nang sobrang dami grabi na takot at iyak ko kala ko na kukunan na ako dali dali ako pumunta nang ob tapos nagpa vagina ultrasund ako buti ok si baby normal naman dahil sa 2weeks na pag inom ko nang pampa kapit tapos nakita na my hemorrhage ako ni resetahan ako ulit nang iba pang pampa kapit now 1week na sana gumaling na ako my konting dugo padin spotting lang sabi nang ob di daw agad agad ma wawala yan at pa balik balik lang daw
Magbasa paNag ka sub chorionic din ako 1st trimester. 7weeks rn ako nun. Lagi sumasakit puson ko, masakit balakang wala naman ako UTI yun naman pala may bleeding ako sa loob pero wala ako spotting. Pinag COMPLETE BED REST ako ni ob for 2weeks. As in tatayo lang kapag iihi, kumakain ako mismo sa higaan dinadalhan ako pagkain. Kailangan mo sundin si ob para sa ikakasafe ng baby mo. 2weeks as in ginawa ko yun, puro higa lang ako bawal muna umupo upo dapat higa lang daw. After 2weeks nawala na sub chorionic ko. Much better sis mag pahinga ka muna, delikado pag may Sub chorionic lalo na nasa 1st trimester ka palang. Delikado rin ung araw araw byahe lalo na buntis ka.
Magbasa paHello mga mamshies thank you so much sa advice niyo & all. 🥺🙏 Super stress nga po ako palagi & tagtag sa byahe. Tatlong pampakapit na binigay sakin ng OB ko then pagnawiwi kasi ako masakit pero nung urinalysis test ko konting bacteria lang nakita and normal naman lahat then nung checkup ko kahapon need ko magpaurinalysis ulit and trans v then babalik ako ngayong 5 sa OB ko ulit. Naistress ako kasi kapag sinasabi kong masakit at may nararamdaman ako sinasabi sakin umaarte lang ako & normal lang daw yung nararamdaman ko sabi ng partner ko sometimes kaya naiinis ako talaga & nastress. Thank you sa help mga mamshies & mga tips. 🥺💖🙏
Magbasa paI had subchorionic hemorrhage din during pregnancy. almost 2 months akong may hemorrhage. i'm a type 2 diabetic and i think that is one of the reason po dahil uncontrolled ang sugar ko. ang binigay sakin ng ob ko is duphaston and need talaga mag bed rest then pinag insulin ako. may nabasa ako before na nakaktulong ang vitamin c para mawala ang subchorionic hemorrhage kaya nag take din ako. better din mag cutrus fruits. feeling ko naka help din ang vitamin c nung nawala ang hemorrhage ko. sobrang natakot din ako non dahil ang daming lumabas sakin na color brown. pero i think yun yung hemorrhage ko. anyway umabot ng 47 ml ang hemorrhage ko..
Magbasa pasame mommy, nagka internal subchorionic hemmorhage din po ako 13-14 weeks si baby nun and madaming dugo than usual sa pregnant patients. Nagtake po ako ng Progesterone pampakapit plus suppository na progesterone din. After 2 weeks nawala naman na po yung internal bleeding, naclear sa ultrasound. Threat for miscarriage daw po kapag may bleeding internal man or nagbleed outside kaya advice ni OB sakin is total bed rest halos 2 months po nagstop ako work then nag request po ng work from home. Until now 26 weeks na po ako naka wfh pa din and di pa din po allowed magbyahe byahe ng malayo.
Magbasa paganyan din ako nun 1st trimester ko pero pinagbedrest ako ni ob for 2 weeks..tapos na extend ng another 2 weeks kaya nagleave ako sa trabaho kahit malapit lang ang work place ko dito sa bahay namin.. nag take din ako duphaston..nun ok na ko pumasok ako ulit sa work..2nd trimester ko bedrest ulit kasi nag spotting ako at nagdischarge ng madami akala ko nag leak ang amniotic fluid ko so inom gamot na naman at bedrest..pinagleave nko ng tuluyan ni hubby ko..by God's grace and mercy, 3rd trimester na kami ni baby ngayon..ingat ka lagi mommy---ingat tayong lahat lagi mga mommies 💕
Magbasa paSame tayo mommy. 6weeks na nung nalaman kong buntis ako then nakapag motor pa kmi nung d pa nmin alam. 1st check up ko my subchorionic hemorrhage din kaya ask ako ng OB ko if nagkaron dw ako spotting or bleeding pero praised God wala nman kaya niresetahan lng nya ako pampakapit 2x daily for 2 weeks then check up ulit. Nung tvs ko may minimal hemorrhage pa din kaya pinatuloy nya for 1 month yung pampakapit ko then check up ulit. Double ingat na lang din po para safe si baby.
Magbasa paIf pwede makapag wfh ka mag wfh ka na lng muna. Ako nagpaalam na sa boss namin for this 1st trimester dahil nga sa hemorrhage para safe lng.
Ganyan din po ako ng 10weeks. Ako po niresetahan ng OB ng duphaston 3x/day pampakapit and progesterone suppository 2x for my cervix, para di bumukas. Then 2 weeks complete bedrest. Then next TVS ko po at 12 weeks, no more bleeding so tinigil na duphaston then 1x a day nalang ng progesterone suppository. On my 16weeks, tinigil na rin po progesterone. 28 weeks pregnant na po ako. You have to tell your OB pata ma guide ka nya.
Magbasa paHi! First time mom also here. First ultrasound ko at 4 weeks, nakitaan din ako ng SCH. I was so scared and worried. Pina bed rest ako for 1 week.. 2 weeks pinainom ng pampakapit. After 10 days nagpa ultrasound ako ulit and super happy ko na nawala na yung SCH ko. Sundin nyo nalang po yung OB nyo pero wag po kayo mag worry ng sobra. Pray and kausapin lang si baby ❤️
Magbasa pa
hope to be healthy and stronger