No
Isipin mo nalang ngayun ang baby mo sis. Sya ang malaking dahilan upang mabuhay at magpakatatag tayu.. ilaan mo sa kanya lahat ng pagmamahal .. di kawalan ang asawa o bf sis.. anak ang pinakaimportante lalo nat bigay ito ni God.
Pagsubok lang yan momsh, pray ka lang. May purpose sya sa lahat 😊
Dont kill your self kahit na gaano pa man kabigat yan sis. Wag mo din sabihin na hndi ka mahal ni god pero ang totoo mahal tayo nya at sya lang ang makakaintindi sau ngaun. Kaya nangyayari sau yan ngaun dahil binibigyan ka nya ng pag subok na alam nyang kakayanin mo at hndi ka mag papaapekto sa bulong ng isang demonyo. Lumaban ka sis! Yan nlang ang tangi mong magagawa! Isipin mo mas matindi pa ang problema ng iba pero kinaya nila ngaun kesa sa problema mo ngaun. Ipaglaban mo sarili mo at manalangin ka lang sis. Alam ko matindi ngaun pinagdadaanan mo sis. Ipatulfo mo kung wala kang kakayahan lumaban. Lakasan mo lang loob mo! Alam ko di tayo pababayaan ng panginoon maniwala ka lang sknya.
Pray lang po Sis. Kung kaya mong umiwas sa kanilang lahat mas okay na gawin mo. Magpa miss ka, kung hindi ka nila mamiss hindi sila kawalan lalo na yung jowa mo. Siguro ung family mo nasa height pa sila na masama ang loob dahil maybe (maybe) hindi nila inexpect na magbubuntis ka ng biglaan.
Wag mo sila intindihin, Isipin mo yung sarili mo tsaka baby mo, alagaan mo sarili mo.
Think positive . Ipa santabi mo muna yung kapakanan mo although hindi ko sinasabi na waalalang yung nararamadaman mo ang pinopoint ko lang is isipin mo baby si baby mahal na mahal ka . Si baby lang yung kakampi mo at wag na wag mong iisipin na dika mahal ni god kasi in the end of the day malalaman mo kung anong purpose niya kung bakit hinigyan ka niya ng ganyang pagsubok. Isipin mo anak mo sis ! Wag na dun sa taong nagbigay ng bigat sa puso mo. Isama molang lagi si god sa mga lakad mo. ❣️ You dont deserve him . Cheer up!
mukhang mahirap lang ngayon pero isipin mo din ung daming possibilities ng hinaharap. Sayang ang kinabukasan mo at ng anak mo. Hamon lang yan ng buhay magpakatatag ka. Take one day at a time.
Pakatatag ka pls. Kaya mo yan. Laban lang mommy. Ipapakita mo pa kay baby ang magagandang bagay sa mundo diba? Hayaan mo siyang mabuhay kasama ka. Kaya wag mapapagod okay? ❤
Wag mong kwestyunin ang pagmamahal ng Diyos. Never nyang di minahal ang mga tao, Kahit ano pa ang kasalanan natin sa kanya. Ang dapat mong gawin sa ngayon ay magdasal. Kausapin mo ang Diyos. Hindi solusyon ang pagpapakamatay tas idadamay mo pa ang baby.