46 Replies
Magpaconsult po kayo mommy.. Importante po makita kayo ng doctor.. Para malaman niyo kung healthy ba si baby or hindi.. May ipapanom po na mga gamot sa inyo para maging healthy ka at si baby.. May mga laboratories pong ipapagawa para malaman kung kamusta ang health mo.. Pwede naman po kayong magpacheck up.. Magsuot lang po ng mask, maghugas ng kamay at practice lang po ng social distancing..stay safe po
mas safe po sa lying in momsh, no need sa hospital. kailangan nyo po ng check up kasi di nyo po malalaman yung kalagayan nyo at ng baby mo & most importantly yung mga gamot na kailangan mong itake. pumunta rin po kayo dapat sa center ng barangay nyo kasi kailangan nyo po ng record don, para sayo at kay baby. tuturukan din po kayo dun for bakuna.
Baka walang tumanggap sayo na doctor pag manganganak ka na kasi wala kang records, wala silang idea sa history ng pagbubuntis mo. At di mo alam kung okay ba yung baby sa tyan mo, di mo namomonitor condition nya. Hindi dahilan ang pandemic para di ka magpacheck-up pero na sayo pa din naman ang desisyon.
Di po reason na pandemic ngayon. Pwede po lumabas mga buntis, and need po ng check up para mamonitor nyo si baby and kayo narin. Once a month po dapat nagpapacheck up kayo. Mahigpit sa ibang lying in ayaw tumanggap ng walang record. Pagagalitan pa kayo kasi 7mos na wala kayong regular check up.
As soon na malaman kong preggy ako takbo agad kay OB. Kailangan ng gabay sis. Be safe na lang pag lalabas. Wala kami sasakyan pero ginagawan namin paraan nagrerent kami basta kailangan alaga ng check up. Paguwi ligo laging bitbit alcohol at be wary na lang kung san hahawak.
yay! momsh mas nkakatakot yang ginawa mo po wala check up check up.. better pcheckup na po kayo kawawa naman ang baby! 😔 first 3months ng pregnancy yan ang pinka importante at dapat nkakainom ka ng vitamins kasi jan prone ang baby sa mga birth defects 😔
Pumunta po kayo kahit sa pinaka malapit na health center sainyo kung ayaw nyo po sa mga hospital.. Check nyo ang araw ng check up ng mga buntis. Importante may record kayo ni baby para may maipakita kayo sa araw ng panganganak.
Pacheck up ka kahit sa mga lying in clinic para masiguradong ok si baby sa loob. Make sure pa appointment ka bago ka pumunta para nakalista kana. Para mabigyan ka rin ng vitamins at maging healthy si baby.
Mamsh hindi matatapos ang pandemic anytime soon. Lalo na ngayon pataas ng pataas yung infected cases. Double ingat lang naman pag lalabas ng bahay. Hindi porket lumabas ka e ma iinfect ka kagad.
Take ka po ng folic acid and calcium. Pero much better pa din po pachekup para macheck if okey si baby and ikaw mommy. Take ka ng milk for pregnant mommy and buko juice para if ever na may uti.
Anonymous