baby

Pwede ph ba painumin ng tubig ang baby na 2weeks old palang

84 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO

Magbasa pa

In general, your baby shouldn't drinkwater until he's about 6 months old. Until then, he gets all the hydration he needs from breast milk or formula, even in hot weather. Once your baby is 6 months old, it's okay to give him sips of water when he's thirsty.

VIP Member

maglalabasan na naman po ang haters s water jan. wal pong masama painumin ng water ang baby lalo kungnformula milk sya pero kung bf po no nid n ng water

6y ago

actually pag s private n pedia nag aadvice ng gnito pero pg s mga health center or DOH n pedia ndi.

Naku hindi pwede momshie. 6 months pataas. Yung iba isang taon pa bago painumin. Hindi oa kaya ng newborn yung water. Milk lang kaya ng katawan nila

Hindi po pwede Kung formula milk gamit pwede pero Kung breastfeed ka dapat ung gatas Lang Ang Ina Ang pipapadede hanggang 6 month.

VIP Member

My pedia advise me na pwd at least 2 drops sa bibig ni baby after mag formula para malinis bibig nya..pero kun BF ka..no need na.

Matigas ang tae ni baby. D aq nag bi breastfeed formula lang pwede ba painumin ng tubig c baby? 2 weeks old slang siya

Naku sis, big no po. Ang baby na pwd na painumin ng distilled water pag 6months pataas na sya.

5y ago

Dapat gatas lang talaga sya momsh hanggang 6 months. Kahit ask niyo pa po sa center at sa pedia nya.

VIP Member

NO. kahit na drop lang NO. Bawal din pakainin. Yung breastmilk natin ay 80% water na po

TapFluencer

Ang alam ko po hindi na nagpapainom ng tubig sa baby. Kapag 6 months old and up lang.