Pwede ba akong magpa BAKUNA?

PWEDE BA AKONG TUMANGGAP NG COVID-19 VACCINE? Alamin rito ang PINAKABAGONG GUIDELINES kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan! OO, PERO KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT ✅ May sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng blood thinners ✅ May allergy sa pagkain, itlog, o gamot ✅ May history ng asthma OO, PERO IPAGPALIBAN MUNA 🕒 Kasalukuyang may impeksyon ng COVID-19 o may sintomas na: lagnat / panginginig, panghihina, ubo, sipon, pananakit ng ulo, lalamunan o kalamnan, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes 🕒 May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw 🕒 Nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw 🕒 Nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis 🕒 Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw 🕒 Na-admit sa ospital, nagkaroon ng atake, or nagbago ng gamot para sa co-morbidities sa loob ng nakaraang 3 buwan 🕒 Hypertensive emergency o blood pressure >180/120 na may sintomas ng posibleng organ damage OO, PERO KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR 📄 May autoimmune disease 📄 May Human Immunodeficiency Virus (HIV) 📄 May kanser na kasalukuyang naggagamot (chemo/radio/immunotherapy) 📄 Sumailalim sa organ transplant 📄 Umiinom ng steroids 📄 Nakaratay sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning HINDI PWEDE ❌ Mas mababa sa 18 years old ❌ Allergy sa mga sangkap ng bakuna (hal: polysorbate, PEG) ❌ Malubhang reaksyon (hal: anaphylaxis) sa unang dose ng bakuna Kahit nabakunahan na, huwag pa ring kakalimutan na gawin ang minimum public health standards o MPHS! Mag-MASK, HUGAS, IWAS, AIRFLOW! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation! #RESBAKUNA #BIDABakunation #BIDASolusyon + #ExplainExplainExplain credits: Department of Health Facebook page: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles