Pwede ba akong magpa BAKUNA?
PWEDE BA AKONG TUMANGGAP NG COVID-19 VACCINE? Alamin rito ang PINAKABAGONG GUIDELINES kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan! OO, PERO KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT β May sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng blood thinners β May allergy sa pagkain, itlog, o gamot β May history ng asthma OO, PERO IPAGPALIBAN MUNA π Kasalukuyang may impeksyon ng COVID-19 o may sintomas na: lagnat / panginginig, panghihina, ubo, sipon, pananakit ng ulo, lalamunan o kalamnan, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes π May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw π Nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw π Nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis π Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw π Na-admit sa ospital, nagkaroon ng atake, or nagbago ng gamot para sa co-morbidities sa loob ng nakaraang 3 buwan π Hypertensive emergency o blood pressure >180/120 na may sintomas ng posibleng organ damage OO, PERO KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR π May autoimmune disease π May Human Immunodeficiency Virus (HIV) π May kanser na kasalukuyang naggagamot (chemo/radio/immunotherapy) π Sumailalim sa organ transplant π Umiinom ng steroids π Nakaratay sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning HINDI PWEDE β Mas mababa sa 18 years old β Allergy sa mga sangkap ng bakuna (hal: polysorbate, PEG) β Malubhang reaksyon (hal: anaphylaxis) sa unang dose ng bakuna Kahit nabakunahan na, huwag pa ring kakalimutan na gawin ang minimum public health standards o MPHS! Mag-MASK, HUGAS, IWAS, AIRFLOW! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation! #RESBAKUNA #BIDABakunation #BIDASolusyon + #ExplainExplainExplain credits: Department of Health Facebook page: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/