FYI Team BakuNanay

Source: Department of Health FB Page PWEDE BA AKONG TUMANGGAP NG COVID-19 VACCINE? Alamin rito ang PINAKABAGONG GUIDELINES kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan! OO, PERO KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT βœ… May sakit sa pagdurugo o kasalukuyang umiinom ng blood thinners βœ… May allergy sa pagkain, itlog, o gamot βœ… May history ng asthma OO, PERO IPAGPALIBAN MUNA πŸ•’ Kasalukuyang may impeksyon ng COVID-19 o may sintomas na: lagnat / panginginig, panghihina, ubo, sipon, pananakit ng ulo, lalamunan o kalamnan, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes πŸ•’ May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw πŸ•’ Nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw πŸ•’ Nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis πŸ•’ Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw πŸ•’ Na-admit sa ospital, nagkaroon ng atake, or nagbago ng gamot para sa co-morbidities sa loob ng nakaraang 3 buwan πŸ•’ Hypertensive emergency o blood pressure >180/120 na may sintomas ng posibleng organ damage OO, PERO KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR πŸ“„ May autoimmune disease πŸ“„ May Human Immunodeficiency Virus (HIV) πŸ“„ May kanser na kasalukuyang naggagamot (chemo/radio/immunotherapy) πŸ“„ Sumailalim sa organ transplant πŸ“„ Umiinom ng steroids πŸ“„ Nakaratay sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning HINDI PWEDE ❌ Mas mababa sa 18 years old ❌ Allergy sa mga sangkap ng bakuna (hal: polysorbate, PEG) ❌ Malubhang reaksyon (hal: anaphylaxis) sa unang dose ng bakuna Kahit nabakunahan na, huwag pa ring kakalimutan na gawin ang minimum public health standards o MPHS! Mag-MASK, HUGAS, IWAS, AIRFLOW! #teambakunanay #Vaccineforall

FYI Team BakuNanay
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

thanks for sharing this inforgraphic πŸ’™β€πŸ’‰