RESBAKuna!
PWEDE KA BANG MAKATANGGAP NG COVID-19 VACCINE? Alamin rito kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan! HINDI MAAARI ❌ May edad na mas mababa sa 18 taong gulang ❌ May allergy sa polysorbate, polyethylene glycol / PEG, o iba pang sangkap ng bakuna ❌ May malubhang allergy matapos tumanggap ng unang dose ng bakuna IPAGPALIBAN MUNA 🕒 May alinman sa mga sumusunod na sintomas: lagnat / panginginig dahil sa lamig, sakit ng ulo, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, panghihina, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, DAS, rashes 🕒 May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw 🕒 Dating ginamot para sa COVID-19 sa nakaraang 90 na araw 🕒 Ginamot o nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw 🕒 Mga buntis na nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis 🕒 Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR 📄 May autoimmune disease 📄 Na-diagnose na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) 📄 Na-diagnose na may kanser 📄 Sumailalim sa organ transplant 📄 Kasalukuyang umiinom ng steroids2 📄 Nakaratay na lang sa kama o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning OO, SUBALIT KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT ✅ May sakit kaugnay ng pagdudugo o kasalukuyang umiinom ng anticoagulants ✅ May history ng anaphylaxis o malubhang allergy ✅ May allergy sa pagkain, itlog, o gamot ✅ May hika RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation! #RESBAKUNA #BIDABakunation #BIDASolusyon + #ExplainExplainExplain Source: DOH Facebook Page. #TeamBakuNanay #ProudToBeABakuNanay #VaccineWorksForAll #HealthierPhilippines #AllAboutBakuna