Okay lang ba sa'yo na mag-aral sa public school ang anak mo?

1926 responses

nursery to prep.nasa private si eldest ko now nasa grades school xa nilipat nmin sa public pero naka kumon nman pumasok pandemic stop ang kumon ipon nalang for college nia pero gusto ni hubby junior high i private na xa ulit kase mas maayos daw turo sa private highschool to college nasa private si hubby ako elem to high school public college lang sa private.now nasa 5th grade na eldest ko nasa Star sec.padin nman
Magbasa paDepends on the area/school. Public school ako simula elementary, science high school, and state university. If maayos ang teacher to student ratio at facilities (lalo na mga banyo), walang problema sa public. Pero mukhang Ateneo si #1 kasi Atenista tatay 😂 si #2 baka Merriam or St. Paul.
Yes , nursery and kinder public school daughter ko, Grade 1 and this sy Grade 2 na siya, Private naman. Gusto ko maranasan niya ang private school. Hindi kasi namin na-experience ni husband yon. Balak ko rin naman siya ilipat sa public ulit. Kasi laking public naman kami.
yes lalo na pag elementary and high school, dun sila matututong makisama. btw nag f2f class yung panganay ko, and just like her puro englishero't englishera din classmates nya. PUBLIC SCHOOL IN MAKATI 💖
by God's grace, sana sa private school namin mapag aral si baby para mas matutukan ang learning ng anak ko. we live in QC and we all know how crowded schools are here.
ok lang sa akin, galing din nman ako dyan from elem to college (state university)...hanggat kaya ng bulsa sa private dun muna sila😁
okay lang :) now sa public ko lang din inenroll yung anak ko super lapit kasi din samin nung scholl sa gate lang ng subdivision :)
Okay lang saken. Naniniwala ako na wala naman sa school yan. Asa willingness ng bata na matuto.
okay lang sa akin kasi isa rin akong public school teacher,wla naman yan sa school..
oo naman po dun din po ako nag aral nun