in laws

share lang po. habang wala akong ginagawa . dito po ako nakatira ngayon sa In laws ko yung asawa ko po kase nasa ibang bansa . bali bread winner po yung asawa ko sa family nya . monthly sya nagpapadala sa MIL ko andun na yung pambayad ng bills at pang araw2x . meron silang negosyo tindahan at for rent na videoke pero hndi rin sapat kaya obligado parin ang asawa ko sa pagpapadala sa kanila hindi naman po ako tutol dun . ang sakin lang po .minsan po kase nagpaparinig ang MIL ko na wala na daw pera, ubos na daw pambayad sa mga bills at yung tindahan kpag nauubos yung paninda hihintayin pa yung padala ng asawa ko bago mapuno ulit yung tindahan . nagpapadala po yung asawa ko sakin pero sapat lng din po sa gastusin ko sa pagbubuntis .kaya kapag naririnig ko po yung MIL ko na nagrereklamo na wala na syang pera . parang nakokonsensya po ako kc wala po akong maibigay sa kanila kc wala nman po akong work . dapat po ba akong makonsensya ? kahit yung asawa ako naman ang nagpapadala sa kanila ng pang gastusin dito sa bahay ? kaya minsan naiisip ko, na after ko manganak maghanap agad ako ng work para atleast man lng may sarili akong pera at makapag abot sa kanila kahit papano . kaso ngayon kase parang dagdag palamunin din nila ako ? yun po yung nararamdaman ko ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

No need ka makonsensya kung seperate naman pala padala sa inyo at sa MIL nyo. Pwede mo rin i open up sa mister mo yan para makagawa sya paraan. 🤗

5y ago

eh kase ramdam ko talaga na nagpaparinig sakin . akala cguro ng MIL ko sobra2x ang padala ng asawa ko sakin .which is hindi naman kaya wala din akong maiabot sa kanila 😓 medyo gipit pa kc kame ngayon may mga utang na binabayaran kaya naiintindihan ko kung sapat lng ang napapadala ng asawa ko sakin . kaso yung pamilya nya ata nasanay na malaki palagi ang padala sa kanila tulad dati . kaya ngayon na nabawasan na yung padala sa kanila parang pakiramdam nila naghihirap na sila . pero para sakin kung magtitipid lang makakaraos naman kahit papano . hindi pa nga kami nakakapag ipon para sa gagastusin sa panganganak ko eh . tsaka para sa mga gamit ni baby 😓 kaya na e stress na rin ako .tpos makakarinig pako ng mga parinig ng MIL ko 😓 hays .