Hi mami sorry kung kakaiba tanong ko gusto ko lng po malaman pano po kayo bumangon? galing po sa Bed
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Tatagilid po muna tapos ibababa ang paa and then aalalayan ako ni hubby if wala naman siya pinangtutukod ko yung elbows/shoulder ko. Tapos uupo muna ako ng mga ilang segundo o minuto bago tuluyan tumayo.
ako po pag yung time na masakit likod ko, tatagilid muna ako tapos iaangat ko sarili ko ( nakaharap sa bed, nakatalikod sa ceiling) saka ako unti unting tatayo. haha sana nagets nyo explanation ko 😂
sa gilid ako ng kama pumupwesto para easy access pag babangon. inuuna ko ibaba yung paa ko tapos pinangsusupport ko yung dalawang kamay ko para makabangon. dahan dahan lang para di mabigla
ako may tali akong kinakapitan sa may bintana para di mapunta pwersa ko sa tiyan at sa braso po lahat. Minsan naman binabangon na ako ng hubby ko kasi hirap na talaga ako at ka-buwanan ko na.
May time na easy lang ako makabangon 😅 nagppwesto ako sa gilid na ng kama tapos tatagilid ako then paa ko inuuna ko binababa. Pahirapan minsan momsh. Minsan si hubby, alalayan nya ako.
roll over technique ko haha, tutukod kamay hanggang makaupo, tapos relax muna bago tuluyang tumayo, gravity is real lalo na ngayon malapit na kabwanan.
tatagilid tas parang ipangsasangkalan mo yung elbow at shoulder mo tas pagnakataas na ng kaunti support ng kamay.
Hi Mommy ! Ako lagi kumakapit sa mga pader o sa mga gilid ng kahoy ng kama at dahan dahan bumabangon
hahawak sa makakapitan. tatagilid paunti tapos tutungkod ko yung left knee ko at dahan dahan tatayo
patagilid po😊.. baba muna Ang paa sa sahig den bangon paside.