Antibiotics to birth defect kay baby
Possible po ba magkabirth defect or problem sa brain development si baby kung nagtetake ng antibiotics for UTI si mommy? Kmusta po yung mga babies ng mga mommy na nagtake ng antibiotics during their pregnancy? Normal and healthy naman po ba sila now? Thank you po sa sasagot. 🥰 Sobrang laking help po. Anxious lang ako ngayon kasi trice na po ako pinapagantibiotic ni OB ngayong preggy ako dahil sa UTI.
hindi po nakaka Birth defect ang Antibiotic for UTI lalo na alam ng mga OB ang safe sa buntis na antibiotic... mas mahirap po kung untreated ang infection.. tulad ng ngyari sa amin ng baby ko. Untreated ang UTI ko dahil late onset manganganak nalang saka ko nagka UTI nag antibiotic naman ako pero hindi gumaling... pinanganak ko siya na nagka infection din siya sa blood (sepsis) dahil naipasa ko sakanya ang infection ko... pati si baby ko nag antibiotic din sa NICU for 7days at nadagdagan ang bill namin ng 150k- fee lang yan ni baby sa nicu.. pero thankful ako kasi naagapan ang sepsis ni baby ko at nakauwi kami maayos siya.. ngayon 16mos old na baby ko madaldal at bibo.. kaya wag ka matakot uminom ng nireseta ng OB mo... Godbless
Magbasa patrust ur OB, di ka nya ipapahamak. also, do ur part mami para di mag recurring ung uti mo such as keeping ur intimate part dry, changing undies multiple times a day, avoid wearing panty liners/napkins etc. u can also suggest kay OB na magpa urine culture kana to know what bacteria causes ur recurring uti para maibigay din sayo yung tamang antibiotics. delikado po kay baby kapag nanganak ka ng may uti ka kaya better treat it po.
Magbasa paok lang magtake Ng antibiotics sis Basta nirefer Ng ob mo Wala nman problema ung second baby kc 2months preggy aq nun nd q Alam buntis aq feeling q kc di aq natutunawan kaya lagi pampatunaw q sprite buntis Pala aq ayun nung nagpacheck up aq grav ung UTI q sabayan mo narin Ng sabaw Ng buko sis effective...
Magbasa panope ..ako naginom ako antibiotics prescribed ng ob doctor wala naman naging problema Kay baby ko healthy and normal naman paglabas ng baby ko.. mas hindi ok if hayaan mo lng UTI mo magkaroon pa big complications if manganak kana di pa nawawala UTI mo.. pwede rin mainfect si baby..
thank you very much po sainyong lahat! kabuwanan ko na po, sana mahabol pa ng antibiotics yung infection. tapos today umuwi po yung kapatid ko inuubo at sinisipon. paranoid na paranoid na po ako mga mommies. ayoko pong mapasa kay baby yung infections lalo na malapit na sya lumabas.
Nope. Nakailang antibiotics ako for UTI, yeast infection, nagka infection pa ko sa gums. Okay na okay baby ko. Basta itetake mo lang kung ano sinabi ng ob mo. Mas delikado na hindi ka mag take nyan kasi possible maapektuhan baby mo. Infections can cause defects or worst miscarriage
nope... nag ka uti dn po ko nung 1st and 2nd baby ko wla nmn pong effect s babies ko... may delikado kung hnd ka gagaling sa uti mi habang buntis ka kc mas mataas ang possibility na mkuha ni baby ang infection na yan... kya follow what is prescribed by your OB...
Nope. Hindi ibibigay ni OB yan kung alam niyang makakasama sa iyo at kay baby. Nag antibiotics din ako sa 2 babies ko before 1st born UTI mild naagapan agad 2nd born ko na admit ako kasi nag seizure, fever with chill due to many infections.
Nope. Trust your OB. ako parang monthly ata ako nagttake antibiotic dahil sa UTI. Okay naman baby ko. Mas delikado pag di nagamot UTI mo. kasi infection yan na pwedeng makuha ni baby. And possible mag premature pa siya.
Hello nag take ako noon ng dalawang banig ng ceforoxime(antibiotics sia) kase 2 weeks na hindi natanggal ang sipon at ubo ko pero diko alam non na mag 4 months preggy na ako.and lumabas baby ko ok naman walang birth defects
Household goddess of 1 sunny boy